IMTP 55

2.5K 90 12
                                    

Althea

Hindi siya si Manong Henry.

Hindi siya si Moma.

Hindi ako siya.

Hindi siya si Manong Henry.

Hindi siya si Moma.

Hindi ako siya.

"No, no, no."

Wala sa sariling hinigpitan ko ang hawak sa wrist ko kung saan nakasuot ang kumikintab na bagay na bigay sakin ng ama ko. Hindi naman malayong nagkataon lang na parehas kami ng pulseras ng batang yun. Nagkataon lang ang lahat. Tama. Imposible namang wala akong katulad sa buong mundo. Tao nga may doppelganger, bracelet ko pa kaya?

Natawa nalang ako sa sarili ko. I'm delusional. Masyado na ata akong maraming napapanuod na teleserye kung anu ano ng pumapasok sa isip kong weird. O baka naman hindi nalang pandinig ko ngayon ang may problema? Baka pati paningin ko malabo na?

Bingi ka? Oo. Malabo mata mo? Pwede. Pero bulag? Hindi. Alam mo kung ano ang totoo. Hindi ka tanga para magmaangmaangan sa lahat ng nakita mo.

Pumikit ako ng mariin. Aaaaahh!!!!!!

Napailing ako ng sagad at mabilis na para bang magagawa nung pawalain lahat ng gumugulo sa isip ko.

"If this means we're in a warfare, then so be it. I won't succumb to any of your will!"

Napamulat ako sa lakas ng sigaw. Nasa labas na ako ng malaking pinto kung saan ang sabi sakin kanina ay ang court ng palasyo. May nakatayong dalawang guardia sibil sa magkabilang side ng pinto ang nagbow sakin. Pagtingin ko sa likod ko, wala na yung mga kasama kong maids kanina na naghatid sakin.

Nakarinig muli ako ng isang malakas na paghambalos ng--sa tingin ko ay--lamesa. Maraming murmurs ang sumunod.

Ano bang nangyayari sa loob? Hindi ako pwedeng magkamali, si Pierre yun. Bakit siya nasigaw? Nagagalit ba siya?

Ipapabukas ko na sana yung pinto ng matigil ako sa tumawag sakin.

"Miss Alea..."

Nilingon ko ang pinanggalingan at nakita ko siyang mukhang gulat at parang kinakabahan habang nakatingin sakin. Natakot ko ba siya?

"Dilan." I acknowledged. Simula ng umuwi kami rito hindi ko na siya masyadong nakikita. Ngayon nalang ulit after nung nangabayo kami ni Pierre nung isang araw. Sinabi ko na rin sa kanyang Alea nalang ang itawag sakin pero sadyang matigas ang ulo ng mga tao rito sa palasyo--may pinagmanahan--may 'Miss' pa rin kapag tinatawag ako. "Bakit nandito ka? Diba dapat nasa loob ka?"

Ang alam ko kasi sa lahat ng meetings ni Pierre palagi siyang nasa tabi niya. Kaya naman nakakapagtaka na wala siya ngayon sa loob.

Umiling siya na kinanuot ng noo ko.

"You shouldn't be here, Miss Alea."

"Ha? Bakit? Eh sila naman nagpatawag sakin dito."

"Wha-what did you say, Miss Alea?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "They won't do that. He won't let that."

"Anong ibig mong sabihin? He? Si Pierre ba?"

Para siyang binuhusan ng malamig na yelo (as if namang may mainit na yelo, duh) sa tanong ko.

"Nobody." Mabilis na sagot niya.

I frowned. Something's not right sa mga kinikilos niya. This is not the Dilan I knew. Parang may mali. Para siyang may tinatago.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon