"Ma'am! nandito na 'ho si Sir Kaizer!"
Bigla naman akong nataranta dahil hindi pa ako nakakapag-bihis at nandito na 'to kaagad. It's partially my fault since kaka-un-block ko lang sakaniya kaninang umaga kaya hindi namin napag-usapan kung anong oras niya ako susunduin dito sa amin.
I hurriedly wore my black maong shorts from levis, a red shirt to symbolize my University, and a simple white converse to pair my gold earrings and necklace.
After getting ready I immediately clutched my sling bag before closing my door. It's currently 8:40 in the morning and also the Opening Ceremony for the Olympics, kaya naman todo ang saya ni Kaizer ngayon.
"Cyrena!"
Kaizer is wearing a simple black slacks, a purple shirt that has a Creston logo at the back, silver necklace chain, and black converse.
He opened his arms to embrace me, umiwas naman ako agad dahilan para mapasimangot siya, hindi na nahiya kela Manang.
"Akala ko bang 9 O'clock sharp ang punta mo dito? sira ba 'yang orasan mo?"
"We can't be late for the Opening Ceremony, paniguradong traffic papunta sa Ephraim kaya naman agad akong pumunta dito"
Inabot neto sa akin ang white tulips na may malaking ngiti sa labi, "Have you eaten already?"
Tanong ko bago kunin iyon sa kamay niya at iabot kay Manang. Tumango agad si Kaizer agad na para bang inaasahan na itatanong ko 'yon.
"What about you?"
I nodded as a response before following him to his car. Wala kaming laban ni Kaizer ngayon kaya balak lang namin manood at sumuporta sa mga kaibigan namin.
Sa Wednesday pa ang laban neto kaya mapapanood niya ako bukas ng hapon, just thinking of Kaizer in the audience makes me more nervous than ever.
"Anyway, manonood nga pala sila Mama sayo bukas" he informed out of nowhere.
"What?!" sigaw ko agad at napalingon kay Kaizer na nakangiti habang nag mamaneho.
"They wanted to come," he shrugs, "and besides I bet you would do great tomorrow so you don't need to worry"
I massaged my temples, having Kaizer and Dad were enough to make me feel nervous, tapos manonood pa sila Tita? paano nalang kung bigla akong walang masabi sa stage?
"Great, now I feel nervous than before"
Kaizer chuckles, "I will always be proud of you regardless of what will happen tomorrow"
"Sus, pa-fall" I muttered.
Hindi nga nag ka-mali si Kaizer at talagang traffic papunta dito sa Ephraim, kasalukuyang mga athletes at mga estudyante lang galing Ephraim ang nandito ngayon pero paniguradong mas dadami mamayang hapon.
"Jett and Dove are currently waiting for us at the fountain" sabi ko kay Kaizer nang mabasa ang text sa akin ni Dove.
Wala ng awa 'to, pati si Jett nilandi na.
Nang makapag-park ay dumeretso kami agad ni Kaizer sa fountain para puntahan ang dalawang nag hihintay sa amin.

BINABASA MO ANG
Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)
Teen FictionCyrena Brielle Vanciello has spent her entire life chasing one thing: her father's approval. For 21 years, she's pushed herself to the limit, striving for recognition that's always out of reach. Cyrena's relentless pursuit of success shatters when a...