Chapter 37

42 2 0
                                        

"You're planning to what?" tanong ulit sa akin ni Lynn habang palabas kami ng building.










It's been a week since I last saw Kaizer, as anticipated, he never messaged, nor called to check on me. Wala itong post sa social media, pati nga sila Akari at Charles ay hindi wala na 'ring paramdam.










"Earth to Cyrena!" sigaw ni Lynn at tinutok pa ang mukha sa akin.










"H-Hah? bakit?"










Ngumuso ito sa akin at niyakap ang braso ko. "You were saying something about Chanel and the others" paalala niya kaya napatango ako agad.










"Oh, about that, I'm actually planning on talking to them this tomorrow Morning about me leaving the Philippines"









"The real questions is. . . are you ready?" tanong ni Harry sa akin na nasa likuran namin ni Lynn.











Ngumiti ako sa dalawa na halatang nag-aalala sa akin. "Oo naman, at saka paniguradong maiintindihan nila yung sitwasyon namin ni Mama"











"Si Kaizer hindi mo sasabihan?" Deretsong tanong ni Lynn sa akin, dahilan para matahimik kaming tatlo sa pag lalakad. Hanggang ngayon ay hindi pa nila alam na nag kita kami ni Kaizer last week.










Nakarating na kami sa parking lot pero hindi ko pa 'rin sinasagot ang tanong ni Lynn, kaya naman hinigpitan neto ang pag-kakayakap sa braso ko. Pareho kaming natigilan sa pag-lalakad kung saan walang masiyadong estudyante.










"He deserves to know" seryosong sabi ni Lynn. "I admit that we don't approve of your relationship with him, but Kaizer is still your boyfriend"









"We don't want you to regret anything before leaving--"











"Tsaka ko na sasabihin kapag hindi na siya busy sa internship niya" ngumiti ako sa dalawa na nag katinginan pa. Halata sa mga itsura nila na hindi sila naniniwala sa mga sinabi ko, pero napag-isipan nalang ng dalawa na wag nang mag salita pa.








Saturday Morning, as planned, mag kikita kaming mag ka-kaibigan ngayon doon sa Condo ni Pierce. I was actually planning on taking them out to dinner, but Pierce already made the plans before me so I had no choice but to go with it. The problem is, I'm not sure if the setting is appropriate for us to talk about me leaving soon. Palabas na sana ako ng kwarto para bumaba, pero biglang kumatok si Janette at walang pasabi na sumilip sa loob. Ngumiti ito sa akin nang makitang nakataas ang isang kilay ko sakaniya.








"Ay, pasensya na 'ho Ma'am, nandito na po kasi ang mga kaibigan niyo"








Tumingin ako agad sa wrist watch na suot ko. "They are early, mamayang 11 pa ang usapan namin"









"Late ka lang!" sigaw bigla ni Dove na nakasilip 'rin sa pintuan, katabi si Janette.










"Oo nga, it's not like you to be this late" si Yvane naman ngayon ang naki-silip sa dalawa.










Mag sasalita na sana ako pero biglang sumulpot si Chanel doon sa pintuan. "Come on. Grab your things and let's go"










Apat silang nag si-siksikan doon sa maliit na siwang ng pinto ko. "Uso 'rin mag bukas ng pinto. Ako yung nahihirapan sainyong apat" inis na sabi ko bago kunin ang mga gamit ko at lumabas na mula sa kwarto, dahilan para mapaayos sila ng tayo.










Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon