Chapter 40

47 2 0
                                        

"I stand here today, to welcome the batch 2015-2016 4th year graduates of Elite University. . . Please stand" Sabay sabay kaming nag tayuan habang nakatingin sa harapan nang simbahan kung saan nandoon ang panginoon at ang pari.









Since this is our last day here in Elite, they held a mass for all of us 4th year student to bless us for our future journeys. This is an annual event that only graduating students can only attend to, every student residing in Elite is now inside their classroom and are not allowed to go outside unless the mass is finished.









"Punta tayo skyrim after neto, ah?" bulong ni Lynn sa gilid ko habang nakatingin sa harapan.








"Please focus on the mass for now," bulong ko pabalik.









"Hindi ako makapag-focus, teh," natawa ito nang mahina. "Nandito ang mga athletes at theater members"









Napunta naman ang atensyon ko sa dalawang grupo ng tao. Nakita ko agad si Stephen na nasa pinaka-harap katabi ang mga iba pang athletes, siyempre nandoon din si Pierce na halatang inaantok na dahil sa pasimple netong pag yuko. Si Chanel naman ay hindi ko makita, paniguradong kasama neto ang council. Sila Jett at Zack naman ay nasa pinaka-likuran dahil na-late sila ng pag pasok this afternoon.









Nag homily lang at nag bigay ng kaunting advice si Father tungkol sa magiging kapalaran namin. As expected, nakatulog si Lynn halfway through the mass, kaya naman pinagalitan ito ni Prof Gizelle na pumunta pa talaga dito samin para lang gisingin siya.








"Ayan, napagalitan ka tuloy"






Ngumuso ito. "Kulang ako sa tulog, eh. Napaka-sungit talaga ni Prof kahit kailan" reklamo niya.









"Sino ba ang nasa tamang katinuan na tulugan ang misa?" Pag-paparamdam ni Harry na nasa likuran lang namin katabi sila Nancy.









"Sorry, ah? nakalimutan ko nga pala na bawal nang mag karoon ng kasalanan ngayon" sarcastic na sabi ni Lynn kaya naman nag simula na ang away nang dalawa.









Matapos naming kumain ng hostya, ay nag dasal kami ulit bago ma-bless ni Father ng holy water. Sa sobrang dami namin dito sa loob ng simbahan ay halos umabot kami nang sampung minuto para lang makalabas sa loob.










"Fuck, I really can't believe that this is our last day" Lynn yawns as she stretches both of her arms while walking towards our building to get our things.










"I can't wait to get out of this hell" Harry remarked while staring at the tall engineering building in front of us. "I'll probably go to my Dad's company after graduation, what about you, Lynn?"









Napabuntong hininga naman itong kaibigan ko na parang problemado. "Hindi pa ako sure. . . bahala na siguro" pabayang sabi niya at masayang nag lakad papasok sa building namin.











Binigyan pa ako ng 'thank you' letter ng mga kaklase ko dahil hindi 'raw ako nag-sawa sa mga ugali nila simula first year hanggang ngayon. May mga iba naman na sinulatan ang uniporme ng bawat isa para lang mag karoon ng remembrance.








"Pres! sulatan mo yung noo ko!" sigaw ni Andrei na may hawak pang permanent black marker.








"Noo talaga?" natatawang tanong ko sakaniya kaya nag dalawang isip ito bago ituro ang uniporme niya.









Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon