Chapter 38

43 2 0
                                    

"Oh my gosh! we're finally free!" masiglang sigaw ni Lynn nang makalabas kami sa building namin. Naka-taas pa ang dalawang kamay neto sa ere na para bang ngayon lang nakakita ng araw.







"We still have to do our final project. Masiyado kang excited"








"Pwede ba, Harry? masiyado kang killjoy today"










Napabuntong hininga ako. "Harry is right, we still have to do our last project before finally getting a rest, wala tayong oras para mag procrastinate ngayon, mas maganda kung matapos natin agad yung--"









"Getting a rest is also important, Cyrena" tinulak ako ni Lynn para mapabilis ang pag lalakad ko. "Palibhasa kasi, naka kulong ka lang lagi sa kwarto mo pag uwi"










"Mag pa-araw ka naman minsan. Tignan mo 'tong balat mo, oh" tinuro-turo pa ni Lynn ang kamay ko habang nag lalakad kami. "Sobrang puti! wala ka na atang dugo sa katawan"










"Don't mind me and just focus on yourself, Lynn. Hindi ba't ikaw ang may pinaka-mababa na grade sa Concrete Tech?"









Natawa nang mahina si Harry sa gilid ko. "Mabuti nalang at makapit ka kay Lord. Nakuha mo sa dasal" pang-aasar neto, dahilan para mag simula na silang mag away sa gilid ko.










As usual, nag-aya na naman sila Kian mag study group pero napag-isipan kong hindi sumama sakanila dahil paniguradong mauuwi lang sila sa inuman sa huli. Si Lynn naman ay todo pilit pa sa akin. Halos umiyak na nga ito para lang sumama ako sakanila.










"May gagawin 'rin kasi ako sa bahay," sabi ko sa dalawa habang sinasamahan nila akong mag lakad papuntang parking. "Alam niyo naman na malapit na kaming umalis ni Mama, kaya kailangan na namin mag ayos ng mga damit at gamit"








"It's already April 22," panimula ni Harry. "Hindi mo pa 'rin sasabihin kay Kaizer?"









Natahimik si Lynn at halatang hinihintay ang isasagot ko. "Busy kasi ako, walang magandang oras para mapag-usapan naming dalawa 'yan"









"Luh, eh halos hatid-sundo ka nga non dito tapos wala ka pa 'rin mahanap na magandang oras?" umiling si Lynn. "Hay nako, sabihan mo na si Kaizer tungkol sa pag alis mo. May 15 ang graduation natin, ilang araw nalang ang natitira"








"I know that better than anyone. Wag kayong mag-alala, sasabihan ko 'rin si Kaizer" Napalingon naman ang dalawa sa likuran ko at biglang ngumiti na para bang may nakakita ng isang Diyos.









As usual, Kaizer's scent comes before his body. "Uy! Hello Papi Kaizer!" kumaway-kaway pa si Lynn sa boyfriend ko na nandito na pala para sunduin ako.







As usual, may dala itong bouquet of red roses para sa akin. Trademark na nga neto ang kulay pula na rosas, to the point na si Kaizer agad ang naaalala ko kapag nakakakita ako ng mga rosas.









"Good Afternoon, Lynn, Harry," hinalikan neto ang pisngi ko tsaka binigay sa akin ang bulaklak. "Did I interrupted your conversation?"








"Hala omg, hindi 'no" malanding hinampas ni Lynn sa Kaizer kaya nag katinginan kaming dalawa ni Harry. "Actually, pwede mo ngang kunin 'tong si Cyrena. Wag mo na 'rin siyang ibalik sa amin"








Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon