Chapter 35

43 2 0
                                        

Days has passed and I'm finally getting better mentally and emotionally. Harry and Lynn are trying their best to keep me busy so I can avoid thinking of the Kaizer and Yuri incident. Killian on the other hand, is also trying his best to be consistent on picking and dropping me off in Elite.








It's already March 12, 2015. Patuloy pa 'rin ang pag dadala ni Kaizer ng bulaklak dito sa bahay namin, at dahil nga sa busy ito ay wala siyang oras para maka-bisita sa amin ni Mama. Ang huling text namin sa isa't-isa ay noong February 27 pa, pero kahit ganon ay sinasabihan pa 'rin ako ni Akari tungkol sa kalagayan ni Kaizer doon sa St. Luke's.









Si Yuri naman ay nawala na parang bula. Akala ko pa naman ay hindi na ito titigil kaka-text sa akin tungkol sa nangyare noong Valentines day.











"Cyrena, Skyrim ulit today?" tanong ni Nancy sa akin nang makalabas kami ng building.









Hinawakan naman agad ni Lynn ang kamay ko at hinila palayo kay Nancy. "Hoy, wag mong idamay si Cyrena sa pagiging lasenggera mo"









"Your face is so makapal, Lynn. Hindi ikaw ang gusto namin makasama later- It's Cyrena" Nag simula ang pag-aaway ng dalawa kaya nag katinginan kami ni Harry tsaka sabay na napailing.









Bigla kasing nag-aya ang mga kaklase ko kahapon na mag skyrim, at dahil sa dalawang buwan nalang ako dito sa Pilipinas ay sumama na ako sakanila. Halos nagulat pa nga sila dahil sobrang bihira lang daw akong sumama.










"It's seems like Kian will be throwing a party later at his house," bulong ni Harry sa akin. "Sasama ka?"










Tumingin ako sa mga kaklase kong nandito sa labas ng building namin at nag-uusap tungkol sa party na gaganapin mamaya kay Kian. Mukhang halos lahat sila ay pupunta, nakakahiya naman kung ako lang ang hindi. Baka isipin nila na killjoy ako.









"Invited ba ako?" I asked Harry which made him nod immediately.









"Siyempre. Oh, ano? sama kana?" Tumango ako sa tanong neto kaya naman napangiti ito at sinabihan ang mga kaklase ko na sasama ako mamaya sa party. Natuwa naman sila at sinabing may milagro 'raw na nangyare.








"Oh my gosh! I'm so excited for later" hiyaw ni Nancy. "Let's match outfits, please?" sabi niya tsaka ngumuso sa akin.








"Baduy mo, Nancy. Hindi naman halloween party ang pupuntahan mo mamaya"











"Can you please shut up, Lynn? you're so nakakainis!" Ilang minuto kaming nag-uusap dito tungkol sa party. Sinabihan na 'rin kami ni Kian kung saan at kung anong oras mag-sisimula ang inuman.









As expected, masayang umuwi ang mga kaklase ko para mag handa mamaya sa party, siyempre hinding-hindi mawawala ang pagiging maarte ni Lynn at gusto pa netong pumunta sa mall para bumili ng damit mamaya.







"Bumili ka na kahapon ng damit, diba? hindi mo na kailangan bumili ulit" sabi ko sakaniya habang nag lalakad papunta sa parking lot.









"You don't get it, Cyrena, iba pa 'rin kapag brand new ang damit na susuotin natin for later, at saka once in a lifetime lang 'to. Might as well go all out!"









"You always say that, Lynn" panimula ni Harry. "Tapos kapag naubusan ka ng pera, hihingi ka sa amin ni Cyrena. By the way, hindi mo pa nababayaran ang 10,000 na utang mo sa akin"










Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon