Chapter 43

47 2 0
                                        

Halos umabot na sa langit ang kilay ko habang nakatingin sa dalawang 'to na hindi makatingin ng deretso sa mga mata ko. Kasalukuyan kaming nandito sa Mall, napag-isipan muna naming kumain dito sa isang restaurant. At dahil sa wala akong kotse ay kasama namin ngayon si Killian na tahimik lang ang tingin sa dalawa ngayon habang nakaupo sa tabi ko.









"Kayo na?" I asked.











"Oo nga," iritang sabi ni Lynn. "Ilang beses ba namin kailangan sabihin sainyo, ha? kami na nga ni Harry. Engaged na kami ni Harry. Mag papakasal na kami ni Harry next year,"










Kinilig naman ako doon at hinampas pa si Killian na napailing sa ginawa ko. Etong si Harry naman ay parang nahihiya pa sa sinabi ni Lynn. "Ayieee, totoo?"









Harry let out a sigh. "Cyrena, what do you want us to do for you to stop doubting us?" he asked, tired of me asking the same question for thousands of times.









"Mag kiss nga kayo sa harapan namin," I giggled. "Bilis"








Pareho silang napangiwi at inirapan ang isa't-isa. "Ew, as if! never!" iritableng sabi ni Lynn tsaka nandiri pa na katabi si Harry na ngayon ay nag spray ng alcohol sa dereksyon ni Lynn.







Napasimangot naman ako nang malaman na hindi pa 'rin nag babago ang dalawa. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-curious kung sino nga ba sa dalawa ang nag first move at kung paano naging sila.









"Congratulations, Harry, Lynn," napalingon ang dalawa kay Killian. "Since when did you proposed to Lynn?"










Napabuntong hininga si Harry, halatang nahihiyang mag kwento. "Last month lang" mahinang sabi neto pero narinig naman namin ni Killian. "Well, we've been in a relationship for almost 7 years. I just thought that it's about time to tie this woman by my side"








Lynn scoffs. "Are you planning to take away my freedom?" she asked her fiance.









"Yes," sagot ni Harry. "Remember when you got drunk and you went ahead hugging random strangers in front of me?"








"Kasalanan mo 'rin naman. Sino ba yung nakikipag-kita sa ibang babae?"









Harry pinched his nose bridge. "Babe, how many times do I have to tell you? that was just my co-engineer in the site. She's married!" he exclaimed. Mag sisimula na sana silang mag away, pero mabuti nalang ay dumating na ang mga in-order naming pag kain, dahilan para malipat ang atensyon nila sa amin.










"Sandali nga," ipinatong ni Lynn ang mag kabilang siko sa lamesa. "Eh, kayo ba?" taas kilay na tanong niya sa amin ni Killian.









"What do you mean?"









"Kayo na ba ni Killian?" tanong ni Lynn kaya nag katinginan kaming dalawa.









I shook my head before avoiding my gaze from Killian. "He's going to be my co-worker for the next two months. Just a colleague"










Napangiwi si Harry at umiling-iling. "Bawi next life, 'tol" binigay neto ang wine glass kay Killian na natawa nang mahina.









"Nubayan, Cyrena" stressed na sabi ni Lynn. "Katabi mo na si Mr. Pogi, oh! what are you waiting for?"








Mag sasalita na sana ako pero nauna na si Killian. "I don't mind waiting for another couple of years. Besides, she already knows that I have feelings for her, that's all that matters" nakangiting sabi niya sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman maiwasan na mapailing tsaka pasimpleng napangiti bago kumain.







Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon