I couldn't sleep well knowing that I will be stuck with my Dad in Hong-Kong for three days. Sinabihan ko 'rin sila Manang na sabihan si Kaizer tungkol sa business trip namin bago ako umalis ng bahay.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa eroplano at naka-upo malayo sa pwesto ni Papa.
Binasa ko ulit ang walong piraso ng papel na pinapabasa neto sa akin, halos dumugo ang utak ko dahil puro marketing ang laman ng mga papel. He must have forgotten that I'm an engineer student—or he probably just doesn't care about me.
It's currently 11:35 in the morning when we landed here in Hong-Kong, paniguradong alam na 'rin ni Kaizer na nandito ako kasama si Papa.
"Someone will assist you to our hotel. Mauna kana doon dahil may gagawin pa ako" he said with a cold voice, not looking at me, not even a glance.
I nod. "Yes, Dad"
Sinamahan ako ng lalaking guard papunta dito sa The Peninsula Hong-Kong, fortunately dito kami mag s-stay ni Papa for two nights and three days. Hindi ko maiwasan mag taka nang mapansin na sinusundan ako ng guard ni Papa hanggang dito sa Hotel Room ko, para bang isa akong kriminal na tatakas.
"Uh, excuse me, may kailangan ka pa ba?" I asked before opening my hotel room.
"Nautusan po akong bantayan kayo, Miss Brielle" He said without any expression on his face.
"Para saan?" my forehead started to crease on its own, "mukha ba akong may pera pauwing pilipinas?"
Hindi ito sumagot kaya inis akong pumasok sa loob at agad din ni-lock iyon. Bumungad sa akin ang malaking kwarto na may dalawang kama, dining area, banyo, mini-fridge, flat screen T.V, madaming drawer, at kusina kung saan kumpleto iyon ng gamit pang-luto.
Inayos ko lang ang mga gamit ko na kanina pa hinatid ng mga staffs. Matapos iyon ay binasa ko ulit ang mga papel, halos mabaliw ako sa sobrang tahimik dito sa loob na kahit pati T.V ay hindi nakatulong sa akin. Ilang minuto ang lumipas bago ako makarinig ng doorbell sa labas ng kwarto kaya agad akong tumayo para buksan ang pinto.
"Good Afternoon, Miss Brielle. I'm here to deliver your Lunch" Isang babae ang pumasok sa kwarto ko dala ang isang cart kung saan puno iyon ng iba't-ibang pag kain.
"But I haven't order yet" I shake mg head, still confused.
Lumingon ito sa akin pero hindi makatingin sa mga mata ko, "Mr. Vanciello already took care of your meals"
Kaya pala walang telepono dito sa kwarto ko.
Funny how he can't even trust his own daughter.
Pinagmasdan ko itong ilagay ang mga pagkain sa lamesa, doon ko biglang naisip na humiram ng cellphone. "Miss, do you have your phone with you?"
"Sorry Ma'am," she said, and stood up straight after carefully putting the tray on fop of the table, "but we are not allowed to have our phones with us during work"
Hindi ako nakapag-salita at hinayaan itong lumabas ng kwarto ko. Binalot na naman ako ng katahimikan at nag dasal na sana ay matapos na ang mga araw na 'to.

BINABASA MO ANG
Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)
Teen FictionCyrena Brielle Vanciello has spent her entire life chasing one thing: her father's approval. For 21 years, she's pushed herself to the limit, striving for recognition that's always out of reach. Cyrena's relentless pursuit of success shatters when a...