"Good Morning, Mrs. Santiago"
Nagulat ako nang makita si Killian dito sa bahay. May dala itong apat na bouquet of flowers para sa amin nila Janette na kasalukuyang kinikilig sa likuran. Umagang-umaga at nandito ito sa harapan namin, wala man nga itong sinabi sa akin na bibisita siya.
"M-Magandang umaga, Hijo" sumulyap sa akin si Mama kaya nag iwas ako agad ng tingin. "Kaibigan ka ba ng anak ko?"
Killian looks at me before responding to my Mother's question. "I'm an acquaintance of Cyrena. I'm just here to ask for your permission"
"Permission? para saan?" tanong ni Mama sakaniya kaya pati ako ay hindi maiwasan mag-taka.
"I want her to," our eyes met each other. "I want to drive Cyrena to her university" Hindi kami nakasagot agad sa sinabi neto. Akala ko naman ay may ibang rason siya kung bakit ito bumisita dito sa bahay. Maya-maya pa ay natawa nang malakas si Mama sa gilid ko kaya hindi ko maiwasan mahiya para kay Killian na seryosong nakatingin sa amin.
"Akala ko naman ay manliligaw ka sa anak ko"
"Pwede po ba?"
Nilapitan ko ito agad at hinawakan ang braso. "Mauuna na po kami, Ma. Medyo maaga ang klase ko ngayon"
"Ganon ba? mag-iingat kayo" sabi neto sa amin. "Ikaw na muna ang bahala sa anak ko, hijo"
"You can count on me, Ma'am"
Hindi ko na binigyan pa ng pag-kakataon si Killian na makausap sila Mama. Paniguradong lalo lang silang mag tatanong tungkol sakaniya at kung paano kami nag kakilala.
"You still have 1 hour before your class" napatingin ako kay Killian na nakasunod sa akin papunta sa kotse niya.
"Paano mo nalaman ang schedule ko?"
He avoided my gaze. "With connections"
Binitawan kona ang braso niya nang makalabas kami ng gate. Tinitigan ko ito hanggang sa mailang siya sa akin. Now that I think about it, Killian has nothing to do with me anymore. I want to forget about what happened last night and continue with my own things. Sulking over Kaizer will just waste my time, but it won't change the fact that I'm disappointed. It's just that I don't want to create a conflict between us, considering that I only have a few months left before leaving the Philippines.
"Am I bothering you?" tanong ni Killian kaya nabalik ang atensyon ko sakaniya. "Sorry, but I just wanted to check on you" Mag sasalita na sana ako pero naunahan ako ni Killian at sinabing, "Please let me drive you to Elite!"
"And I won't bother you anymore" Lumingon ako sa black bentley bentayga na nakaparada sa harapan ng bahay namin. I'm sure this car costs than my whole entire left. Pumunta na ako doon sa pinto ng passenger seat kaya napalingon ito agad sa akin.
"Dumaan muna tayo sa Wendy's, gusto ko ng burger"
Napangiti agad ito sa sinabi ko at halatang natuwa na pumayag akong ihatid niya sa university. "Yes, Ma'am"
His car is filled with an unfamiliar scent. Everything feels brand new to me. Hindi ako sanay na kasama ito, I feel like I'm cheating on Kaizer for hanging out with Killian.

BINABASA MO ANG
Sunsets and Broken Promises (SPADE Series #1)
Teen FictionCyrena Brielle Vanciello has spent her entire life chasing one thing: her father's approval. For 21 years, she's pushed herself to the limit, striving for recognition that's always out of reach. Cyrena's relentless pursuit of success shatters when a...