**You can skip this chapter if you want, hahaha.
Ako nga pala si Gabriella Rivera-San Miguel. Isang napakagandang--- joke lang. Haha. Kilala ako bilang pinaka-matured na dalagita sa Hacienda Miguelenos. 16 pa lang naman sana ako.
At oo, kami ang may-ari ng Hacienda--- actually, ang Lolo Panchito ko na halos treinta anyos pa lang kung makakilos sa sarili niya. Malakas pa ang mga tuhod eh, gaya ni Lola Maria na asawa niya...
They have been managing the hacienda for so many years now I couldn't count with my fingers. Hacienda na bumubuhay sa humigit-kumulang isandaang pamilya (yun ang naririnig ko sa aguelo ko), mga pamilya na kung tumuring sa amin ay parang napakalaki ng mga utang na loob nila sa amin.
Well, kila Lolo yes. Dahil si Lolo ang nagbigay sa kanila ng pabahay sa sulok-sulok ng hacienda ng kape at mangga. Oh yeah, kapeng barako at mangga ang pangunahing ikinabubuhay namin dito sa bayan ng Mabini sa probinsya ng Batangas. Actually, marami pang hacienda dito na hamak ang laki sa lupain namin pero pinakamaayos na yata ang ginagawang pamamalakad nila Lolo doon.
Mababait kasi sila Lolo Panchito at Lola Maria na parehong down-to-earth na kahit patirahin na sa Italy at lahat nila Daddy at Mommy ay wala pa ring maibang sabihin kung hindi "mas masarap mamuhay sa lugar na kinalakihan mo na."
And that ends my story about my grandparents. Kwento ko naman ang sarili ko, haha! Aby ang tawag sa akin ng karamihan dito sa hacienda, Gabby ng mga kamag-anak namin sa Italy, at Ella ng kaisa-isang taong napakaespesyal sa akin.
Si Aries.
By the way, pinanganak po ako sa Milan, Italy ng Mommy kong si Anna. Isa siyang head nurse sa isang ospital doon, Pinay... Doon na talaga sila nakabase ng Mom at Dad niya who happened to be my maternal grandparents, of course.
Nag-iisa lang siyang anak kaya nang makilala at makatuluyan niya ang Daddy ko na si Gabriel na isa namang businessman ay doon na sila nag-reside sa Milan.
As for me, the reason why I decided to live with my grannies here in the Philippines is I also want to live in a simple yet full of love place. Kasama ng Icons...
Only child ako kaya naman sila Daddy ang umuuwi dito sa Pinas kapag namimiss nila ako.
Bukod pa dun, may ate naman si Daddy na nag-aalaga kila Lolo at Lola. Galing nuh?? Sa amin, ang mga girls ang nakatakdang mag-alaga sa mga magulang nila. Well, hindi naman actually nakapisan si Tita Georgina sa hacienda dahil may pamilya na rin naman ito na nasa Tagaytay.
End of family thing that is supposedly kanina pa dapat. Nalilipat lang sa pamilya. Well, I can't help it, we have a picture-perfect clan.
Na lalo pang naging ideal nang dumating sa buhay namin si Aries, ang non-biological kong brother.
Na halos kaedad ko lang naman, siguro... Hindi naman namin alam ang totoo niyang birthday eh. Yep, Lola adapted him. Nakita kasi nila Lolo si Aries nang umiiyak ito sa dulong upuan ng parochial church namin--- sanggol pa lang siya nun at ako din na nasa Italy pa noon.
Hindi yun lingid sa kaalaman namin dahil sinabi na iyon ni Lolo sa amin after several days na umuwi ako mula sa Milan. Ayaw na raw nilang malaman pa namin sa iba ang katotohanan kaya ayun... They named him Andrei San Miguel and treated him as their real apo too.
At binigyan din siya ng bagong identity. Natatandaan ko pa yun eh, I was eight back then, pinabinyagan namin siya, pina-late register at binigyan ng birthdate na kasabay ng sa akin. Kaya hindi lang sa magkaapelyido na kami, we also have the same age and date of birth.
Kahit naman ganun, Aries knows his place. By the way, I was the one who gave him the nickname Aries because when we were younger, he used to watch the North Star in the night sky called Polaris. Ayun... From then on, people in the hacienda also called him Aries.
Sabay kaming nag-aral, lumaki at nagkaisip sa Hacienda. Pero kahit magkagayun, hindi niya masyadong inaayunan ang iba kapag sinasabi ng mga ito na magkapatid kami. Maybe because he always thinks that he is really not. Ang iba kapag ganun na ang sinasabi ni Aries, akala kami naman ang itinakda. Talk about provincial beliefs??
Oh well, despite that fact, I know and I'm sure that I love him as my younger brother and he will always be...
Hanggang sa dumating sa buhay namin si Barbie or Bie--- ang masayahin kong best friend since first year.
Si Julia Audrey and Audrey for short--- ang super kikay na naging classmate namin nina Aries at Bie nung second year.
At si Cedric or Cie--- ang lalaking tatapat sa kaingayan ni Bie, silahis siya actually pero kahit ganun, patay na patay pa rin sa kanya si Bie. Halos sabay-sabay lang silang pumasok sa buhay namin ni Aries.
Then, third year na kami nang magtransfer sa private school namin ang pinsan ni Cie na galing pa raw sa Brazil na si Michael or Mike.
Halos hindi namin mapigilan si Audrey kapag kinikilig ito kapag malapit na si Mike sa grupo namin. Gwapo naman kasi. Aakalain mong snob pero pag nakilala mo na, mas masahol pa pala sa kakulitan ni Aries. Kaya ayun, nilakad ni Cie si Audrey sa pinsan kapalit ng isang taong free lunch, haha!
May gusto din pala ito kay Audrey kaya madali lang para maging ang mga ito. Napasama na rin si Mike sa barkada namin, and kaya nabuo ang pangalang Icons--- ang pinakakilalang grupo sa buong private high school sa amin sa Mabini, si Cie at Bie ang nagpangalan niyan! Haha!
At kapag may barkadahan?? Syempre, may hideout--- ang lugar sa tabing-ilog na pinakadulong bahagi ng hacienda namin, and you know what's more?? Lolo Panchito and Lola Maria seemed to be our parents when we were there.
Icons seems to be the best thing ever happened to me, yeah. Until Keith came in...
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...