Aby's POV:
Almost two months then bakasyon na naman. Yieee.. Christmas vacation! Hinahanda ko na nga ang tiyan ko para sa marami-rami na namang pagkain. Yummy! All-smile pa ako when I realized one thing-- dahil nga bakasyon na naman, matagal-tagal din bago ako muling makita si Keith.
Aaww...
And yes, mag-tu-two months na kami sa 19, Christmas party pa namin. Ayos yun. Ano kaya mairegalo sa kanya?? What if, i-invite ko muna siya dito sa amin and have a dinner together with Lolo, Lola and Aries right after the Christmas party? Ipapakilala ko na siya kila Lolo. That would be a great gift, I think. Makilala na siya ng family ko even before they fly to San Fo for the season.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Come in."
Binaba ko ang magazine na binabasa ko at nilingon ang kumatok. Si Aries.
"Oh, Aries. Ikaw pala, bakit?"
"Cie called. Hindi ka raw nila makontak."
Lumapit siya sa bed ko at naupo sa gilid niyon.
"Ah oo. Hindi ko pa kasi nacha-charge yung phone ko dahil tumawag si Keith."
I smiled at him, he smiled back. Yan naman ang gusto ko sa kanya eh. Akala ko, susuwayin niya ako nang sagutin ko si Keith dahil akala ko ayaw niya dito pero hindi pala.
"Cie called," ulit niya.
"You already said that. Bakit ba siya tumawag?"
"Kung pwede daw bang tumambay sa tabing-ilog."
"Pwede naman anytime."
"Kumpleto daw dapat tayo."
"Ha? Bakit naman daw?"
He shrugged his shoulders, "I don't know. Si Bie daw ang nagpapatawag."
"Hmmm. I wonder why."
"Ano, 'punta ba tayo?"
"Sure. Wala naman tayong gagawin eh. Siguro, pag-uusapan natin yung tungkol sa Christmas party ng Icons nuh?"
"Siguro. Sige na, gumayak ka na. Text ko lang sila."
He was about to leave when I spoke.
"Okay... Ah, Aries?"
Humarap siya sa akin. Pero poker face lang siya. Hmmm. Nagiging poker face ang peg nito lately ha?? Problema nito?
I smiled at him, "I love you."
"Ha?"
I laughed a bit, "Thank you dahil tinanggap mo si Keith na maging boyfriend ko. You know---"
"Just simply because I see you're happy. Sige na."
Tahimik lang kaming nakarating ni Aries sa tabing-ilog. At as usual, nandun na ang best in punctuality na sina Bie at Audrey. Si Cie, lagi namang late yun dahil mas marami pang routine sa amin sa paggayak. Si Mike, nagiging late na rin lately. Pag dumarating naman, badtrip ang peg. Ano ba problema ng mga ito?
"Hi, bakla! Namiss kita!" Patakbo akong yumakap kay Bie pagkababa ko pa lang sa sinasakyan namin ni Aries. "Parang ang tagal nating hindi nagkita pero Sabado pa lang naman ngayon."
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...