Aries' POV:
"Tae naman, Dre!"
"Aries, ako na magdadrive, gusto mo?"
"Gadh, Aries. Galit ka?"
"Please, be careful!"
Yan ang mga naririnig ko sa apat na sakay ko sa Corolla Altis namin ni Ella. Ewan ko ba. Parang gusto kong makipagkarera sa mga kotseng babagal-bagal sa daan. Baka ma-late pa itong kaibigan namin eh. Binusinahan ko ang nasa unahan naming kotse.
Takte, traffic pa...
"Dre, ayaw mo lang ba talaga akong ma-late o naaasar ka?" diretsuhang tanong na ni Mike sa akin. I glanced at him at saka ako tumingin sa rear view mirror. Kitang kita ko ang halos pagdudugtong ng mga kilay ko.
"Bat naman ako maaasar?"
"Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo?" balik niyang tanong sa akin habang nagkikibit ng balikat.
"Gadh, plakda na fez namin ni Bie at Audrey dito sa backseat. Kaya kung naiinis ka, Aries, iutot mo na lang yan. Kesa sa idamay mo pa kami," singit ni Cie na nasa likod.
I sighed to calm my system.
"Wait, mukhang galit ka nga Aries," komento na rin ni Audrey.
"Galit ka ba Aries dahil sa naging alok ni Tito Gab kay Aby kanina?"
F*ck. Bull's eye. Napatingin sila kay Barbie.
"Yeah right... Eh ano namang ikakagalit mo dun? Hindi na pumayag si Aby diba?" tanong ni Audrey.
Muli akong bumuntong hininga na parang magiging solusyon nun na mapakalma ako. "Ayaw niya lang tayong saktan. Kaya niya sinabi yun," pagtatapat ko sa kanila.
"Ahhh, that's why," si Cie.
"O pano mo naman nasabi yun?" si Mike naman.
"Narinig ko sila kanina. Nahihirapan si Ella na mag-decide. Takte. Ako nga rin, nalilito na eh."
Based sa narinig ko kanina, parang si Ella lang ang gusto nilang isama at syempre ano bang magagawa ko dun? For sure, knowing Mom and Dad, may dahilan yun. Naiintindihan ko naman. It might be that I should take a look at Lolo and Lola na ayaw namang sumama sa Milan.
"Oh gadh, Aries. Sure na kapag um-oo si Aby, aalis ka rin right?" tanong ni Bie.
Lumipat ang tingin nila sa akin. Dyahe, trapik.
"Ahay... No, don't do this to us. Ano yun? Apat na lang ang Icons?" parang maiiyak na tanong naman ni Audrey.
Bumuntong-hininga ulit ako na hindi ko na alam kung pang-ilang beses, "Si Ella lang ang gustong isama nila Daddy, hindi ako."
Mukhang na-gets naman agad ni Mike ang sinabi ko kaya sya ang naka-react agad. "Ahh. Kaya ka naaasar?"
"Bakit naman?"
"ABC, dre. Yun ngang hindi mo makita ng ilang oras si Aby, umuusok na yang pwet mo kahahanap sa kanya. Yun pa kaya?"
"Galing niyo din eh nuh?"
Nagtawanan ang tatlong nasa backseat. Tiningnan ko sila ng masama sa rearview mirror.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...