Aby's POV:
Nandito kami ngayon ni Aries sakay ng Montero niya at papunta sa bahay nila Audrey. Tahimik lang siyang nagda-drive, ako naman, tahimik na pinagmamasdan ang ambon sa labas. Hindi pa naman totally bagyo ang tatama sa CALABARZON, LPA pa lang siya sa gawing hilagang-silangang bahagi ng Palawan. Kaya tuloy pa rin ang lakad namin papunta kila Bie sa Tagaytay.
Miss na miss ko na rin ang best friend ko. Hindi ko pa siya nakikita since noong umalis sila ni Cie to spend their honeymoon in HongKong. Hindi naman ako nagtaka nang magpaalam kami ni Aries kila Lolo dahil kasama ko nga si Aries.
I sighed. Malapit na sigurong dumating yung pagkakataon na kahit nandyan lang siya, hindi na siya pwedeng sumama sa akin dahil may Rio na siyang nangangailangan ng oras niya.
"What are you thinking? You're sighing every once in a while. May problema ba?" tanong niya sa akin. Nakita kong tumingin pa siya sa akin habang nagdadrive.
"90% of my problem is just invented by me," I sarcastically said.
He chuckled.
I sighed, "10% is consisting of stresses like the thought of going back to Milan and the fact that I don't wanna go because I am happy here. My life belongs here," I continued pero hindi na ako tumingin sa kanya.
My life belongs here, as I said.
Literally. You're here. And you are my life... Pero hindi ko na sinabi yun. Nakatingin pa rin ako sa labas.
"If your life belongs here, then why do you seem confused about going back to Italy or not?"
"Because sooner or later, my life will be taken away from me. At masasaktan ako sa bagay na yun."
Sa peripheral vision ko, nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Joke... Focus. You're driving," bawi ko.
Bumalik na ulit ang tingin niya sa daan, "So you're telling me that your life is here and it will be taken away from you? What does it mean?"
"Did you hear the word "joke"? Ang ibig kong sabihin, nandun ang trabaho ko. Pero mas masaya ako dito. Ikaw, ano pipiliin mo kung ikaw nasa sitwasyon ko?"
"Mas masarap mamuhay sa lugar na nakalakihan mo na," he smiled after he said that.
Pero lumaki din naman ako sa Milan ah? Mas matagal pa nga ang nilagi ko doon kaysa dito.
"Pero baka sabihin mo sa akin na 18 years kang nanirahan sa Milan at 8 years lang dito sa Pilipinas and counting. Kaya tatapatin na kita. Kung desisyon ko man ang pagbabatayan mo, ayokong bumalik ka pa sa Milan. Sila Daddy ang pabalikin mo dito. Sa hacienda ka na manirahan at bumuo ng pamilya. Sa hacienda ka mas sasaya at sa tingin ko, sa hacienda mo rin matatagpuan ang buhay mo. Doon mo hanapin, hindi kung saan-saan," litanya niya.
I looked at him. Pakiulit nga?? Kahit may pagkabossy yung sinabi niya, ang sarap sa tainga.
I am dumbfounded. My heart is beating faster at yun na lang ang naririnig ko sa sobrang lakas nito. Tapos tumingin pa siya sa akin.
"Ano, aalis ka pa ba?"
Hindi na, hindi na promise.
Easier said than done, Aby.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...