Audrey's POV:
We are now here at the resort. Naghihintayan para sa pagpunta sa Ilocos Norte. Haha, clueless si Bie na hindi naman highlight ang birthday niya sa gagawin namin doon kundi ang mismong wedding proposal na sasagutin niya.
Ngayon pa lang masayang-masaya na ako para sa kanya. Sa wakas, sure na sure na ang pagsesettle down nito sa kaibigan namin.
It's past 4 AM, the travel to Bangui, Ilocos Norte would be approximately 12 hours by land. Gagamitin namin ang isang 12-seater van nila Aries kaya maluwag na maluwag sa loob. Of course, mayroon pa kaming gamit pero konti lang naman yun dahil hindi na namin pinlano na magdala ng maraming pagkain. Yung on the way na lang... We planned na halili sila Cie at Aries sa pagmamaneho. Eh dumagdag itong Mike kaya magdusa siya, reserba siya.
Nandito na kami ngayon nila Cie, Bie, Aries at Rio at hinihintay na lang namin si Aby na hinintay pa daw si Mike sa entrance ng resort. Pa-VIP talaga yung lalaking yun kahit kailan.
Si Cie ang unang magda-drive, si Bie sa front passenger seat. Si Aries at Rio, nasa tabi ko. Syempre, sa kanila na ako tumabi, alangan namang tabihan ko pa si Mike sa pangatlong row diba?
Kaya ayun, noong dumating na sila Aby, umalis na kami. And I can sense some awkwardness inside the van. Hindi ko alam kung natutulog lang sila o hindi lang sila nagsasalita. Well, isa lang ang sure ako. Si Aby, matamlay na naman. Haha, she's sooo obvious that she didn't expect to see Rio coming with us. Akala niya, kami lang anim. O ako lang nakakapansin noon dahil ako lang naman ang may alam na mahal niya si Aries??
8 AM and we are already here in SCTEX bound to Pampanga, we stopped over to have our breakfast. Grabe. Nakatulog pala ako. When Bie woke me up, ginising ko na rin sila Rio at Aries na nakahilig pa ang mga ulo sa isa't-isa. Sweet...
And when I turned my head to wake up Aby, nakita kong nakaakbay pa si Mike kay Aby and they are sleeping like Aries and Rio do. Mas sweet pa nga silang tingnan dahil nakaakbay nga si Mike kay Aby and his other hand holds Aby's hand as if they fell asleep holding hands. Shame, bakit parang may kumirot sa dibdib ko na gusto ko yatang ikaiyak?
No, this can't be happening. I reached for Aby's arm pero natigilan din ako nang makita kong yung magkahawak nilang mga kamay, may magkaparehong shell bracelets. I took a deep breath.
"Gisingin mo na yang dalawang yan," sabi ni Aries sa akin.
"Bakit hindi ikaw?" sabay labas ko sa van para sundan sila Bie.
Shame, why am I feeling this way? Of all people, si Aby pa?? Natigilan ako pagkuwan.
Wait. Am I jealous??
Aby's POV:
Mike and I are here in the third row in our van, watching them all like crazy. And jealous, as Mike added.
Hindi ko naisip na pwede nga palang makasama si Rio sa pag-alis namin. Dahil syempre, naging close din naman siya kay Bie at sa barkada and hindi naman ako makakapag-emote dahil sinama ko din naman si Mike dito.
He's really happy that I made him go with us without any hassle, kung alam lang niya kung gaanong pilit ang ginawa ko sa mga ito para mapasama lang siya. He's really thankful dahil nakita na naman niya si Audrey. Seriously?? Ang babaw ng kaligayahan nito. Masaya na siya noon, kahit hindi siya pinapansin nito?
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...