Start of Something New

32 4 0
                                    


Cie's POV:


Sakay na kami ng bus ngayon pabalik ng Batangas. Haayyy. Grabe ang nangyaring Retreat na yan. Sigurado trending ito sa group namin. Worth it naman pero nakakainis din. 


Dahil unang-una, hindi kami nakapaglibot pa para makabili ng pasalubong, binantayan pa kasi namin ang bruhang si Aby at ang damuhong si Aries--- baka kung ano pa maisipan nila eh. Iwan tuloy kami sa mansion samantalang yung iba naming classmates, ayun! Umaga pa lang, naglalakwatsa na. Kainis! 

Pangalawa, nasira na ang Icons. Eh ano pa sense nung mga sinabi namin sa retreat diba? Wala nang patutunguhan yun lahat? Si Aries at si Mike pa ang nag-declare na wala na nga talaga ang grupo.

At pangatlo, hindi ko katabi sa seat si Bie! Yan ang nakakainis sa lahat. Dahil ang katabi niya ngayon pauwi, si Aby... Asar! Sabunutan ko yung maarte na yun eh! Dramatic actress pa din kasi siya hanggang ngayon...



Kasalukuyang nasa killer eyes pa ang mga mata ko kay Aby nang may mag-text sa phone ko. I opened it and smiled to what I have read.


Bruho ka! Bat ansama ng tngin m kay Aby ha??


Hindi ako nagreply. Instead, tumingin ako sa kanya. Katapat lang naman namin siya ng seat eh.

"Paano naman kasi, inagawan ako ng seat niyang katabi mo. Nakakaasar kaya," malakas kong sagot sa kanya.


Nag-ayieeh ang mga kaklase namin. Sus! Mga simpleng bagay lang yun ah! Kabababaw. Sinabi ko lang naman yung totoo ah! At itong si Bie, namula agad?! Hahhaha.


"Don't worry, Cie. Ibibigay ko sayo ang best friend ko pagbalik na pagbalik natin ng Batangas!" sagot din sa akin ni Aby.


Sabay irap sa akin. Aba! Taray niya ah! Palibhasa kasi, wala dito si Aries. Nagpaiwan ng Baguio. May pupuntahan lang daw na kaibigan. Iyak na naman itong babaitang ito, arte?? 

Kapag nandyan si Aries, parang hito sa sobrang ilap? Kapag wala naman siya, hindi mo makausap sa sobrang iyak?? Haay naku! Isang punto na lang talaga, makakatikim na ito sa akin.


Pasalamat siya best friend niya si Bie...



Audrey's POV:


After a few days ay naging busy na nga kaming mga Seniors sa pagpapapirma ng mga clearances sa mga teachers namin. Wala na nga kaming mga klase kasi tapos naman na ang mga grades namin. Ang mga ginagawa na lang namin ngayon ay mag-asikaso ng mga records namin na kailangan namin for graduation.


Haayyy. Unti-unti ko nang napi-feel ang pag-alis namin sa school na ito. I'm gonna miss my high school days. And so everyone is. Nagpa-practice na nga kami ng graduation march eh. Nai-announce na rin ang top 10 ng klase. Of course, si Aby ang Valedictorian. Salutatorian naman si Aries na hanggang ngayon, nasa Baguio pa rin. Hindi man binabanggit ni Aby ang tungkol kay Aries, alam naman naming alalang-alala na siya para dito. Syempre, kapatid pa rin ang turing niya dito eh.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon