Aby's POV:Mula nang nakaalis na kami kila Bie hanggang ngayong nasa bukana ng Batangas na kami ay hindi pa rin nagsasalita si Audrey. Naiinis na nga ako at hindi na ako mapakali dito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Lachowski at nagbabalak yata itong bumalik sa Brazil. Hindi ko naman ito matawagan at masigawan dahil na kay Aries pa rin ang phone ko.
"Hey palits!"
Napangiti siya. Ito kasi ang tawag ko sa kanya noon kapag binibwisit ko siya. Palito kasi siya dati. Pero wala akong balak maging comedy ito. Naiinis ako.
"Give my phone back."
"Later," sagot niya sa akin kahit diretso pa rin ang tingin sa kalsada.
"Give my phone back. Kailangan kong tawagan si Mike at tanungin kung ano ang binabalak niya."
"Oh come on, Ella. Let Audrey do the honor. Siya ang dapat na tumawag kay Mike, hindi ikaw."
"Eh ayaw ngang gawin ni Audrey, sino pa pipigil sa lalaking yun?"
"Sinabi ko ba sayong ayoko?" singit ni Audrey, finally looking at me.
"See? Manahimik ka na lang dyan at matulog, pamaya-maya, andun na tayo," Aries seconded.
"Argh! Bahala nga kayo. Atleast ako, may contact sa kanya kapag nakabalik na siya sa Brazil, ikaw ba Auds?"
"I have all the ways in the world to talk to him. At hindi siya makakaalis, that I can assure you."
Then she looked on her window side, Aries grinned. What's happening??
Pagkatapos naming ihatid si Audrey ay nag-pretend na lang akong nakatulog. Tahimik lang naman si Aries. Hmp. Ayoko siyang kausapin, bahala siya. Hanggang sa maramdaman kong nasa hacienda na kami, pinatay na ni Aries ang engine. Gigising na sana ako kuno nang buksan niya ang pinto sa side ko. Wait!
"Hey, you put me down."
Pinangko ba naman kasi ako??
He grinned, "You're sleeping right? You're supposed to be quiet. Are you sleep talking?"
"Funny. Put me down."
Pero naglakad na siya paakyat ng hagdan.
"Isa!" banta ko.
"Dalawa," balik niya.
"Argh!"
He just chuckled. Hanggang sa mabuksan na niya ang pinto namin ay hindi pa rin niya ako binababa. Seriously? Magaan lang ba ako?
"Magaan lang ako?"
"Tinanong mo pa."
Maingat niya akong binaba sa sofa namin. I patted his chest real hard pero tumawa lang siya.
"Aries?" someone called him, napalingon kami sa kanya...
Audrey's POV:
Kanina pa ako naihatid nila Aby at Aries dito pero hindi ko pa rin magawang kausapin sila Papa tungkol sa balak kong sabihin. Kinakabahan kasi talaga ako pero it's now or never right? I took a deep breath and opened my door.
"Oh hon, akala ko ba magbibihis ka na kaya ka nag-excuse sa dinner?" Felix approached me.
"Felix..."
Yeah, another person I don't want to leave. Napakabait niya, isa siya sa mga taong nagtiyagang makipagkaibigan sa akin noon sa Oxford. Siya ang naging clown ko noon nung malungkot na malungkot ako sa Oxford dahil kay Mike.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...