Changes

37 4 0
                                    


Aby's POV:


Two days na lang, pasukan na ulit. Haha. Hindi ko man lang naramdaman ang Halloween, paano naman kasi, busy pa kami ni Aries kaka-convince kina Mommy at Daddy para hindi nila ako isama pabalik sa Milan. 

Napapayag naman namin ang mga ito nang mag-promise kami na mag-aaral pa kami ng mabuti. In that case, pag naka-graduate kami ng college ay doon kami sabay magtatrabaho ni Aries.

Sinabi pa namin na isasama namin that time sila Lolo. Hehe. Pautakan lang. Kaya ayun. A for effort kami ni Aries at ng iba pang Icons. Worth it naman.



Ito kami ngayon, nasa byahe para sunduin si Mike sa NAIA. Of course, masayang-masaya ang bruha naming Audrey. Nagpaganda pa ngang tunay dahil walang magawa nang umalis nga si Mike. Straight hair naman na siya. 

Habang nasa sasakyan namin ni Aries, si Aries ang driver dahil sa magaling akong kapatid, passenger lang ako. Haha.

Masayang nagtatawanan sila Cie, Bie at Audrey sa backseat. Kami naman ni Aries, nakikinig lang.


"I'm so excited to hug him tight. Paano hindi man lang tumawag ng madalas. Lagot siya sa akin." may pagbabantang sabi ni Audrey pero halatang kinikilig naman. 

"Haha. Patayan mo sa halik ang gaga!" si Cie.

"So truuuee!" ani Audrey.

Bie shaking her head in disapproval, "Stop it now, Cie. Wag kang magsasalita ng ganun, kapanget kayang pakinggan pag ikaw nagsasabi."

"Hmp. Inggit ka lang. Bruhildang ito."

"Ano ba kasi sabi nila Tita Dada sa akin, patinuin daw kita."

"Sumunod ka naman? Uto ka talaga."


At ito na naman po kami. Mukhang nagkakapikunan na naman ang dalawa.


"Tumigil na nga kayo. Today is my happiest day so far. Kaya wag niyong sisirain, pleeease?" si Audrey. 

Napailing na lang ako. I smiled at Aries when he took a glimpse on me. Dumukwang ako para i-turn on ang radio sa MOR. Sakto!

And I have gone all what I need

Right here in the passenger seat

And I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me


Then, suddenly narinig ko na lang sila Audrey, Bie at Cie na nag-"uuuyyy". Nagtaka naman daw ako sa kanila.

"Ano meron?" tanong ko sa kanila. Humarap pa ako. 

"Wala naman," ani Bie.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Bie, ahaha. Si Aries lang pala. Pero wait, bakit namumula ito?

"Aries, you're blushing." komento ko. 

"Ha? Ahm.." nagpunas pa nga ng panyo sa mukha. 


Napapawi ba ng panyo ang pamumula ng mukha?


"Is there something odd? Bakit namumula itong si Aries?" Tanong ko sa tatlo.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon