Walking out of her Life

30 4 0
                                    


Aby's POV.


Umuwi ako sa bahay ng bandang alas-otso ng gabi. Pero syempre, hindi naman ako pinagalitan dahil nagpaalam naman ako at inihatid pa ako ni Keith sa mismong tapat ng bahay namin. Oh diba? Gentleman talaga yun eh.

Pinapapasok ko pa siya sa loob ng bahay para isabay na siyang mag-dinner pero sinabi niyang uuwi na daw siya.

I understand him even if he didn't even say "it". Hindi pa kasi siya legal sa family ko. That is why I have to find a way para maipakilala na siya. As I have said, hindi naman ako pinagbabawalang mag-boyfriend. Ang kailangan lang daw ipakilala ko kila Lolo at Daddy ang magugustuhan at manliligaw sa akin. Buti nga hindi nagsusumbong si Aries eh. Haha.

Then, bigla kong naisip ang upcoming Christmas eve. Siguradong darating sila Tita Georgina from Tagaytay para dito magcelebrate ng Christmas. Hindi kasi makakauwi sila Daddy dahil sa trabaho. I think that time will serve as the best time for them to finally meet Keith...



Aries' POV:


Lately, parang nagkakatotoo na nga ang hinala ni Bie na unti-unti nang mawawala sa amin si Ella. Of course, sino ba ang lagi niyang sasamahan?

Wala naman. Nagseselos lang. Oo, aminado ako. Nakakaiyak ang putek! Kaya nga uunahan ko na lang siguro siya. Alam ko din na napapansin na niya na umiiwas na ako sa kanya. Minsan kasi nakikita ko siyang nakatingin sa akin na parang naguguluhan o nagtataka. Well, I can't do anything else. Kailangan ko nang lumayo bago pa ako masaktan ng sobra. I need to move on...


Pero paano?


Kung lagi ko siyang kasama sa bahay? Kung lagi ko na lang narerealize sa sarili ko na nakatitig pa rin pala ako sa kanya? Kung pati ba naman sila Lolo at Lola, at ang buong nasa hacienda kasama na sila Bie, tinutulak ako para kay Ella?


Oo. Alam nila Lolo. Sila pa?? Papunta pa lang ako, pabalik na sila. Sila pa nga ang nagparealize sa akin na may gusto nga ako kay Ella eh. Takte talaga, sadyang weak lang ba ako o talagang mabilis lang ang Keith na yun?



Tulad ngayong Christmas eve, nagdadatingan na ang mga kamag-anak namin. Si Ella, mano na nang mano at buhat na nang buhat sa mga pamangkin at pinsan naming maliliit pa pero ako heto, nakatitig lang sa kanya. Nangigiting parang adik.


Ang ganda niya kasi eh. Kasalukuyan siyang nakasuot ng haltered floral olive green dress na above the knee ang haba, nakaflat sandals at walang kamake-up make-up sa mukha. Nakalugay lang din ang mahaba niyang buhok na natural alun-alon. Ang highlight pa dun, nakakadala ang ngiti niya at tunog ng pagtawa sa tuwing matutuwa siya sa karga-karga niya. And I bet she would be a godD*mn loving wife and caring mother one day. 



"Mahuli ka niya, aba sige ka. O nagpapahuli ka ga talagang nakatitig sa kanya?" may halong biro na tanong sa akin ni Lolo Panchito. 

"Lo..."

Tumawa sya ng bahagya, "Nagmano ka na ga sa mga Tita Georgina mo?"


Oo nga nuh? Hindi pa pala. I sighed, saka pa lang ako tumayo para batiin ng Merry Christmas at magmano kila Tita. Nakipag-usap lang ako ng kaunti at bumalik na sa kinauupuan ko kanina.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon