Bie's POV:
Super saya ko nang magtapat sa akin si Cie. That's the most beautiful gift I've received for our graduation. Buti na lang talaga may retreat na tinatawag hanuh?? Hahaha!
Oh well, balik tension naman kami nang magsalita na si Audrey. Grabe, biglang iyak siya nang minsan niyang tanungin si Mike kung tapos na ba talaga sila at ang katok, ang sarap suntukin.
Buti rin at inaya siya ni Aries na pumasok sa mansion. Well, it's obvious naman kung bakit iyon ginawa ni Aries so hinayaan na lang namin siya. Inalo na lang namin ni Aby at ni Cie si Audrey...
Kaya nang makarinig kami ng ingay mula sa loob ay agad-agad kaming pumasok. Alam namin kung paano mag-away ang dalawa. In many cases ay pisikalan nga ang mga ito kaya hindi na kami masyadong nagulat nang maabutan naming nagsusuntukan na sa sala sila Mike at Aries. Yung iba na lang na classmates namin ang umaawat eh.
Pero nawindang kami ni Cie, at ni Audrey nang...
"Tangina mo Aries! Napakapakialamero mo! Pakialaman mo na lang ang sarili mong problema kay Aby kaysa yung sa amin ni Audrey!"
"Gago, concern lang ako sa inyo!!!"
"Pwes, first things first pare! Kapag nasabi mo na kay Aby ang dapat mong sabihin sa kanya, saka ka dumakdak dyan!"
"Pare, wala na nga akong magagawa tungkol sa nararamdaman ko kay Ella. She will never love me the way I love her kaya nga ayokong mangyari sa inyo ni Audrey ang nangyayari sa akin ngayon, tanga ka ba? Bakit hindi mo na lang isipin yun!"
I eventually looked at Aby. Nanlaki ang mga mata nito at super bright red na ang face niya sa sobrang gulat sa nalaman. Lalapitan ko sana siya para aluhin nang bigla itong sumigaw ng "Stop it, you two!"
Napatigil naman ang dalawa sa narinig. Darn, si Aries, parang nakakita ng multo. Si Mike din, namutla. Siguro hindi lang din nito sinasadya na ibulgar ang nararamdaman ni Aries para kay Aby.
"Shit," mahinang sabi ni Mike.
"Andrei, i-is that true? Y-you're in love with me?? Kuya??"
Kuya... Aby calls Aries that way when she wants him to tell her the truth and nothing but the truth. I unintentionally nipped my nails na agad din namang pinaalis ni Cie.
"Tigilan mo yan."
Yes boss. I sighed. Shame... Ano na?? Matagal hindi nakasagot si Aries sa tanong ni Aby. Sh*t, pati sila Ms. Gonzales, tahimik at nakikinig sa kung anuman ang sasabihin ni Aries sa best friend ko. Aries naman kasi, sabihin mo na ang totoo.
"Now what, Andrei?? I'm waiting. Are you f*cking in love with your sister??" sigaw na ni Aby kay Aries.
"Bakla..." awat ko sa kanya.
I was worried. Dang. Si Aby, minsan lang magalit yan. Pero pag nagalit yan, asahan mo, kung anu-ano nang masasakit na salita ang masasabi niyan.
"Aries, tell her now. Ano pa ba gusto mong mangyari??" Audrey encouraged him, tutal andun na eh.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...