Aby's POV:
I was busy hooking my earrings when Audrey knocked on the opened door to catch my attention. Tumingin ako sa kanya through the mirror. Doon din naman siya nakatingin.
"Twenty minutes," she reminded.
"Oh, okay. Bababa na ako."
She smiled at me at lumabas na rin ng kwarto. I took a deep breath and glimpsed at the mirror to see my image there. I smiled at my reflection.
Kung kabahan naman kasi ako, wagas. Eh best friend ko naman ang ikakasal, hindi naman ako. Well atleast, maid of honor ang peg. Today is the wedding day of Cie and Bie. Twenty minutes na lang ay aalis na kami nila Audrey para pumunta sa simbahan ng St. Lawrence the Deacon Church dito pa rin sa Bangui.
Grabe, excited na excited na nga akong makita si Bie na nasa living area ng unit na tinutuluyan namin at inaayusan pa ng mga bakla niyang friends all the way from New York. Sila rin ang kinontak namin nila Cie para gumawa ng wedding gown ni Bie. Mga fashion designer kasi ang mga ito at frustrated fashion designer nga kasi itong best friend ko.
Ang alam ko, marami ding umuwing kamag-anak at kaibigan itong si Bie at si Cie na galing pa sa iba't-ibang lugar. They are obviously blessed with their loved ones kasi nag-effort talaga ang mga itong pumunta dito sa Ilocos Norte para lang maka-attend sa pinakamahalagang araw sa buhay ng dalawa. Well, I just can't deny it, mababait kasi silang tao.
And speaking of mabubuting tao, nandoon na sa simbahan si Cie na halos gibain na yung pinto ng unit namin makita lang si Bie pero syempre, pinipigilan pa namin siya ni Audrey hehe.
Kaya nga na-late akong mag-ayos eh. He's with Mike na sa wakas, hindi naman na nagsisikuhan pag hindi ako nakaharap. Huh, laking takot lang ni Cie kay Bie. And of course, nauna na rin sila Aries at Rio na gaganap namang assistant ng wedding planner sa entourage. Ang alam ko pa, nag-volunteer pa daw itong Rio na tutugtog ng organ sa march mamaya. Yun kasi ang naging last-minute problem namin nila Cie na nakalimutan naming mangontrata ng musician. Ayan tuloy, Rio said she was not prepared but she also said that she would try her best. Siya na talented. Nakakabitter.
Nang makuntento na ako sa reflection sa salamin ay lumabas na ako para tulungan na si Bie na lumabas na ng hotel. Nakababa na rin kasi si Audrey sa ground floor at naghihintay na lang sa bridal car. Siya naman ang assistant ng maid of honor. Haha, kung meron mang tawag doon, si Audrey yun.
And when I saw Bie, my jaw dropped.
"Bakla, you're sooo beautiful!!!"
She smiled, "Really?"
"Yes, I swear!"
Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na pinang-cover ko din naman ng bibig ko dahil naiiyak na ako. Ang best friend ko, ikakasal na...
"I'm so happy for you, bakla," hindi ko mapigilang saad.
"Aahh. Thank you very much, bakla. I love you."
"You know I love you too."
I hugged her. Buti na lang nagsalita na yung baklang main make-up artist ni Bie kundi matatagalan pa kami. I do my role as a maid of honor. Kinuha ko ang dulo ng wedding gown niya para maalalayan siyang lumabas ng unit.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...