Reactions

24 4 0
                                    


Aby's POV:

*Diliman, Quezon City:

I was pretty shock to see Audrey and Cie gone back after a day na pumunta sila sa Batangas. Sabi kasi nila baka mag-stay sila doon ng mga three days, nag-iisip na nga ako ng pagkakaabalahan ko eh.

And they are here. Matapos ko silang pagbuksan ng pinto ng unit ni Auds ay dumiretso sila sa sala and even crossed their arms fuming mad.

"What's wrong with you, guys?" tanong ko. 

"Paano naman kasi yung ex ni Audrey---" bungad ni Cie, galit agad. 

"Pinsan mo. Duhh," putol ni Audrey. 

I knotted my brows, "Oh, ano meron kay Mike?"

Cie took a deep breath, "So tinotoo nga ng magaling na Michael na yun ang pagbabalik dito sa Pilipinas at ang pagbili ng kabilang resort sa Mabini. Langya siya. Masusuntok ko na talaga siya kahapon kung hindi pa ako pinigilan nitong si Audrey eh."

"Mag-eeskandalo ka para lang sa taong yun? And you're even recognized as his best competitor as resorts' owners in Mabini, ano na lang ang ipu-prove mo sa mga tao?"

"Cie, Auds has a point..." sabi ko na napatangu-tango pa. 

"Pero siguro naman, alam niya na tayo ang may-ari ng resort na kakalabanin niya. Why did he do that to us? Ano ba sabi niya, ha Auds? Diba, kinausap mo siya kahapon?"


Napatingin ako sa magiging reaksyon ni Audrey. Talaga? Kinausap niya si Mike kahapon? I was about to laugh when I noticed that she seemed constipated all of a sudden. Ano na naman kaya ang ginawa ni Mike dito? Napailing na lang ako.

"W-wala. His decision's final. Kahit anong gawin kong pag-convince sa kanya na bawiin ang ginawa niya, wala. Instead---" Audrey cleared her throat, "Instead, he—he walked out."


Sabay iwas nito ng tingin sa amin ni Cie. Hmmm. There is something fishy. Remind me to call up that dirty bastard tonight.


"So, ano? Kailan tayo pupunta ng Ilocos Norte para ma-finalize na yung wedding proposal mo, Cedric??" pag-iiba ko na lang ng usapan.

Cie rolled his eyes, "Cie!!!" 

Highblood dahil tinawag ko sya sa tunay niyang pangalan. I chuckled. Natawa na rin si Audrey.



Rio's POV:

*Mabini, Batangas:

Nandito kami ngayon ni Aries sa bahay nila sa Mabini. Of course, kasama na sa routine namin ito ng baby ko. That every Saturday or Sunday, pupuntahan namin sila Lolo para man lang mangamusta. 

Isa pa ito sa mga nagustuhan ko kay Aries eh. Malambot talaga ang puso niya sa mga matatanda and inspite of his achievements, he still looks back to where he belongs.


"Hindi po. Baka sa isang lingo, birthday din po kasi ni Bie. At baka po, sa Huwebes santo na kami makauwi," sagot ni Aries kay Lola Maria to her question kung makakauwi kami sa Holy week. 

"Ganun ba, apo? Uuwi kasi ang mga Tita Georgina dito sa Holy week. Maghahanda ako ng paborito niyong inangit. Apo, pilitin niyong umuwi ah?"

"Opo, Lola." si Aries. 

"At Rio, hija. Alam kong tatamarin itong si Aries, pingutin mo na pauwi dito ah," biro naman ni Lolo Panchito sa akin. 

Natawa ako, "Makakaasa po kayo."

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon