Take-off

29 4 0
                                    


Aby's POV:


Nagtatawanan pa kami ni Aries nang makauwi sa bahay. 

Grabe, gabing-gabi na, pinanood pa kasi namin ang fireworks display ng Enchanted Kingdom and my phone was kept on ringing and gadh, we just ignored it not knowing na sila Lolo na pala ang tumatawag.

Lagot na talaga ako nito. Kaya nga, hindi magkamayaw si Aries sa pagbubuhat ng mga pinamili naming pasalubong bilang bribe kila Lolo't-Lola.


We were laughing at the thought na dadaan kami sa kitchen window dahil hindi naman karaniwang sinasara iyon ni Lola. Then, isu-surprise namin sila kinabukasan na maglilinis kami ng bahay buong araw. To think na hindi pa nakakapagpirma si Aries ng graduation clearance niya. Haha!

Pero nagtaka kami nang maabutang nakabukas pa ang lahat ng ilaw sa bahay.


"Oh gadh, mukhang pinag-alala ko talaga sila. Jeez, ang bruhilda ko talaga," napapakamot ako sa ulo na sabi, kinakabahan.

"Hindi yun. Siguro tumawag lang sila Manong Dencio dito sa bahay na dumating na tayo," ngumiti sa akin si Aries.

Si Manong Dencio ang isa sa mga guards ng Hacienda Miguelenos. Susyal diba, may guards pa??

"Sana nga. Ayoko pa namang pinag-aalala sila."

"Eh ano ba yung ginawa mo?"

Tiningnan ko siya ng masama, "Akala ko ba okay na tayo? Pero bakit binabara mo na naman ako?"

"Pasensya na ha? Mahal na prinsesa."

"Good..."


Bago ko sinubukang pihitin ang door knob ng bahay ay sumilip muna ako sa tinted na salamin sa verandah. I bit my lower lip for seeing some shadows walking around the house. Gising pa nga sila.

"Ouch talaga. I'm dead meat," sabi ko. 

"Baboy ka talaga, ka-drama mo."

Sabay pihit nito sa door knob. And there it is, sabay-sabay pang napasigaw ang mga tao sa loob ng "Aby"... I gestured a peace sign and wore my most charming smile pero deep inside, kinakabahan na ako.


Pero ako pa yata ang dapat na masurpresa dahil sa nakita kong bisita na nakaupo sa sofa namin. I stared at her for a little while, kinikilala siya kung siya nga talaga yun.

"Oh come on, my dear best friend. Did you forget me already?"

"Alex!"

I ran towards her to give her a very tight hug. Grabe, nandito ang bestfriend slash great cousin slash former classmate slash good neighbour ko na matagal na since huli kong nakita. And I really missed her sooo much.


"Yes, it's obvious that you missed me to death. How are you?? Gadh, you grew up sooo gorgeous, kaya lang maliit pa rin."


And yes, half-pinay in her maternal side. Kaya nga madali kaming nag-jive eh.

"Ikaw talaga, matagal na nga tayong hindi nagkita, binabatas mo pa rin ang height ko hanggang ngayon," puna kong nagtatampo sa kanya. 


Sa Milan kasi, isa ako sa mga pinakamaliit sa circle of friends ko. Despite the fact na matangkad na ako para sa age ko ah. I hugged her once more. Natutuwa kasi talaga akong makita siya.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon