Rio's POV:
I was totally clueless and slightly annoyed to see Aries like this. Nagpaalam lang siya saglit na may kukuhanin na gamit sa bahay nila bago kami umuwi sa Makati ay nagkaganito na siya—tahimik at parang ang lalim ng iniisip.
He is also eager to drive faster na kahit traffic, gusto niya magmabilis at sumingit-singit sa daan. I am worried with what my mother will think of him. Mukha kasing nakakatakot si Aries kapag ganito siya katahimik at walang reaksyon. I'm gonna talk to him later, as of this moment, I'm gonna enjoy the moment that finally, nakita ko na rin si Mommy.
Speaking of her, ang ganda-ganda pa rin niya. Nagkakwentuhan kami kanina habang hinihintay si Aries at nag-iyakan din. Kaya pala siya nakipaghiwalay kay Daddy ay sinasaktan siya nito. Nang umuwi daw ito dito sa Pilipinas ay hindi na rin siya nakabalik sa Canada para bawiin ako dahil nai-ban siya ni Daddy sa Canada.
Doon ako nagagalit sa Daddy ko, napaka-inconsiderate kasi. Ang sabi niya, nawalan na siya ng pag-asa noon na mahanap ako dahil buong akala niya, nasa Canada pa rin ako. Nag-stay siya at nagtrabaho sa Cebu, kung saan talaga kami nakatira. Hanggang sa makita nga siya ni Aries.
And the rest is history... I looked at Aries, nag-aalala ako kung ano ang nangyayari dito sa ngayon. Iba ito sa mga poker face na nakikita ko sa kanya noon. Ngayon, parang may halong galit na hindi ko alam kung bakit. Tahimik na tahimik nga kaming tatlo sa kotse.
After an hour and less than fifteen minutes, nandito na kami sa condo unit ko sa Makati. My mom will stay here with me. Hinatid lang naman kami ni Aries.
"I have to go, baby," paalam niya.
"Nah, we have to talk. Please stay for a while. Maaga pa naman at dito ka na rin mag-dinner."
"What are we going to talk about?"
I sighed, "Yan, yang nangyayari sayo. Tahimik ka na naman."
I made sure na nagpapahinga si Mommy sa kwarto bago ko kinausap nga si Aries.
He chuckled anxiously, "I'm always like this, babe."
"No, iba ngayon. Tell me, may nangyari ba sayo kanina sa hacienda?"
Shame, ito na naman po ako. Nagiging paranoid na naman. I felt my eyes getting wet.
He sighed, "Wala. Medyo pagod lang kasi ako. I need to go, baby. Kita na lang tayo bukas. Pakisabi na lang din sa Mommy mo, umuwi na ako."
And he left. I cried silently. No, something happened. I'm sure about that. I dialed someone's number. Hiningi ko ang number ni Aby kay Bie noon bago pa man sila mag-honeymoon ni Cie. I need to talk to her. Pero na-frustrate ako nang marealize ko na hindi na nga pala ito ang number ni Aby dahil nagpalit na siya. I sighed. I have to go to the hacienda to personally talk to her.
Dahil alam kong may kaugnayan siya sa nangyayari kay Aries...
Cie's POV:
Nandito kami ngayon ni bebe ko sa unit ni Aries. We are planning to surprise him. Kauuwi lang kasi namin ni Bie galing sa honeymoon sa HongKong and that was really memorable and fun. I really love my wife. Yes naman, wife... Haha.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...