Bittersweet

32 4 0
                                    


Aby's POV:

Saturday...

Nandito kami ngayon nila Bie at Cie sa terrace namin. Naisip kasi nilang maglibot dito dahil wala daw silang magawa, katatapos lang din kasi ng mga exams at wala pang masyadong ginagawa. Umuulan pa rin naman pero pabugso-bugso lang naman.


"Hindi ka siguro nakikinig kay Ms. Gonzales hanuh, Cedric?" tanong ni Bie kay Cie about sa gagawing retreat. Every year kasi, nagsasagawa ng retreat ang seniors bago grumaduate. Normal naman yata yun sa lahat ng school.

"Yuck! Don't call me Cedric. Kadiri ka," bawi ni Cie kay Bie with matching irap pa.

"Ewan ko sayo. Ikaw ba bakla, nakapagpaalam na kayo ni Aries sa gaganaping retreat nating mga Seniors sa Baguio sa March?"


Ibinaba ko muna ang tasa ng kape ko sa mesita bago sagutin ang tanong ni Bie.


"Hindi pa eh. Malayo pa naman. Atsaka, taun-taon naman yang activity para sa graduating students, understood na kila Lolo yun."

"Ang bilis ng panahon nuh? Ga-graduate na rin tayo sa wakas. Saan niyo ba balak mag-aral? Ako nga, baka nga sa Lyceum ako mag-apply. Sana naman makapasa na. Kayo ba? Tutuloy na kayo sa UP?" tanong ni Cie sa amin. 

"Siguro. Hindi pa naman kami nakakapag-decide ni Aries eh. Isa pa, hindi pa lumalabas yung result ng CAT sa UST. Ikaw ba bakla?" lumingon ako kay Bie. 

"Hindi ko pa rin sure. Los Banos yun eh. Hindi ko pa nga nasasabi kila Mama na nakapasa ako eh."

"Si Audrey ba?" tanong ko ulit kay Bie. 

"Hindi ko pa nakakausap ang isang yun. May balita ba kayo sa kanya? Ang alam ko, grounded siya."

"Wit ko alam yan," umiling pa si Cie na sumagot sa amin. 

"Gaga, hindi pa ba obvious? Mugto na lang lagi ang mata niya. Hindi rin siya hinihiwalayan ng bodyguard niya. By the way, ano ba balita sa kanila ni Mike? Hindi yata sila nag-uusap?" si Bie. 

Kumunot ang noo ko, "Yan ang hindi ko alam. Ganun ba? Eh diba magkasama sila nung Monday? Sabay pa nga silang hindi nag-take ng exams diba?"

"Ay, know ko yan! Break na yata sila," tumaas pa sa ere ang kamay ni Cie. Excited sa recitation, sis? 

"What?!" sabay naming saad ni Bie, nagkatinginan pa. 

"Ouch! Sakit sa tenga ha? Oo nga... Nabalitaan ko kay Mama. Ang alam ko kasi, bigla na lang dumating ang Mommy ni Mike dito sa Pilipinas, asking na hiwalayan na niya si Audrey. Ayaw din yata ng parents ni Mike sa junakis ko eh," mahabang paliwanag ni Cie sa amin. 

"Hala, hindi naman sinasabi sa akin ni Auds ang tungkol sa bagay na yan," sabi ko habang inaalala si Audrey nung mga nakaraang araw. Kaya pala lately, hindi sya masyadong makausap at lagi na lang matamlay. 


Natahimik kami. Ano ba namang pagsubok itong nangyayari sa aming mga Icons.


"Ano ba nagyayari sa ating anim? Para namang binabato tayo ng challenges nito," parang nabasa ni Bie ang utak ko.

"OA mo teh. Sila lang naman ang may problema Moreno. Hindi tayong dalawa. Wag mo na rin akong isama sa stress dahil haggardo versoza na ang peg ko sa exam."


Pero hindi na kami nag-react ni Bie sa sinabi ni Cie.


FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon