"Ladies and gentlemen, we have arrived to our destination, Ninoy Aquino International Airport, Manila. For those of you visiting, mabuhay! We hope you enjoy your stay. For those of you returning to the Philippines, welcome home."
I sincerely painted a smile on my lips when I heard what the head stewardess has said. Finally, nakabalik na rin ako sa Pilipinas after five long years of studying in England. Hindi maalis-alis ang ngiti ko sa kaiisip kung kamusta na ang mga taong naiwan ko dito, if they are also very happy to see me back that they did a thing or two to surprise me.
Ganun naman ang mga taong yun eh, mga tease pero sweet. Lalo na sila kuya JM, JR, Kio at Prince. I got my smile even bigger when I thought of her, siguradong siya ang mastermind kapag nagkaroon nga talaga sila ng welcome party para sa akin. And I am not assuming, I'm just hopeful.
"Kuya JD..."
Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin sa di-kalayuan. Honestly, hindi ko siya agad nakilala because he turned to a man from a simple guy as far as I could remember. JR, my younger brother, smiled and went near me. We did a man hug.
"Kamusta na? Biglang laki ka ha? Nagwoworkout ka ba?" sabi ko sa kapatid ko sabay akbay sa kanya.
He shook his head, "Para naman akong mukhang weight lifter kung makapagsalita ka. Tumangkad lang ako at nagkalaman ng kaunti," kinuha niya ang trolley ng mga gamit ko and led me to the car.
"Sa bagay, hindi ko lang siguro in-expect dahil hindi ka naman nagpapalit ng profile picture sa facebook."
He chuckled and started the engine, Hindi na uso ngayon yun, Kuya."
"Kaya siguro kapag nag-oonline ako, hindi ko maabutan ang halos lahat sa inyo dahil hindi na pala uso dito ang facebook."
"Yeah right."
As we are heading to our house in Batangas, hindi ko mapigilang pagmasdan ang malaking changes ng lahat. Nakaramdam ako bigla ng lungkot and I just don't know why.
"Naghanda ba sila ng surprise party para sa akin doon?"
He chuckled, "Surprise nga diba? Why would I tell you that?"
"Buddy, sabihin mo na. Sa atin lang namang dalawa."
"Alam mo naman yung mga yun."
"As expected. So tell me, ano na namang gimmick ang ginawa ni Kate para sa akin?"
"Kate?" he glimpsed at me.
"Yeah, Kate. Bakit?"
Umiling siya at ngumiti as if may pinanghihinayangan. I knotted my brows.
"Is there something wrong?"
He sighed, "Kuya sa tingin mo ba, matapos ang ginawa mo sa kanya noon, siya pa ang mangungunang magwelcome sayo ngayon? Buddy, people change."
"Buddy, ginawa ko lang yun dahil ayokong umasa siya. We're the best of pals in the whole world at ayokong masira yun."
Umiling pa sya, "Marami nang nagbago sa loob ng limang taong nawala ka, Kuya..."
Natahimik na lang ako sa sinabi niya. What the hell does he mean to say?
Pagbaba ko palang sa kotse, ramdam ko na ang overwhelming welcome ng pamilya ko sa akin. Mom and Dad gave me a very warm hug indicating that they missed me so much. Ganoon din naman ako eh kaso si Mommy talaga, napapaiyak pa.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...