Keith (Short chapter)

33 4 0
                                    


Aby's POV:


Pagkarating na pagkarating namin ni Aries sa bahay ay nagpaalam agad ako kila Lola Maria para pumunta sa bayan. Wala lang, parang gusto ko lang ng kausap. At alam kong si Keith lang ang makakatulong sa akin.

Yes. Legal kami ni Keith sa family niya. And boto naman daw sila sa akin. Isang bagay na rin iyon para ipakilala ko na rin si Keith sa family ko. And I love him for heaven's sake!


Next thing, nandito na kami ngayon ni Keith sa terrace nila.

"Hooo, kuya! Kaya ka lang naman naligo dahil alam mong pupunta si Ate Aby dito eh," sabi ng kapatid ni Keith na si Kyle. He is three years younger than Keith at pogi rin katulad ng kuya niya. 

"Kyle..." umiiling-iling na sabi ni Keith sa kapatid. "Pumasok ka na nga dun!" 

Tinulak-tulak niya ng bahagya si Kyle para makatayo at umalis na sa upuan right across me. 

"Penge muna nito," kumuha muna ito ng isang slice ng pizza bago pumasok sa sala nila. I chuckled.

"Kulit!" saad niya habang sinusundan ng tingin ang kapatid na papasok ng bahay. 

"Cute nga eh," saad ko naman. 

"Mas cute naman ako dun."

"Oh sige, sabi mo eh."

I earned a playful glare because of that. Napatawa na lang ako. 

"Seriously speaking, nadako ka dito?" tanong niya habang kumakain na rin ng pizza. 

"Bawal?"

"Adik lang? Ako ang hindi nila papasukin dito, h'wag lang ikaw," pabiro niyang sabi sa akin. Well, sa totoo lang at hindi naman sa pagyayabang, his parents like me very much to the point na lagi nila akong iniinvite dito everytime na may free time sila. Hindi pa kami noon. Edi lalo na ngayon? Haha. 

"Wala. I just feel like I need someone to talk to."

"Sure. I'm here, all-ears. Ano ba yun?"


He looked serious na at ipinatong pa nga ang mga siko sa tuhod, tanda na attentive talaga sya sa sasabihin ko. 


"Yung Icons kasi eh. Medyo nag-aaway-away kami. Wala naman akong karapatang mangaral sa kanila this time dahil aminado naman akong wala akong alam sa isyu," pahayag ko. 


Keith knows the Icons, sikat naman talaga ang grupo namin sa school. Sa sobrang sikat at tinitingala ang samahan namin, marami ang gustong sumama sa group namin. Hindi nga lang kami open pa na magtanggap pa. 


"Ano bang isyu?" tanong niya. 

"I don't know anything, right?"

"Ipagpatawad naman."

I sighed, "Basta sabi nila may kanya-kanya silang problema ngayon. At hindi basta-basta matutulungan ng bawat isa sa amin. Kaya pinili na lang nilang sarilinin. Pero bakit ganun Keith, naaapektuhan na ang bawat isa sa amin. That should be a wake up call para magkaroon na kami ng confrontation tama?"


Matagal syang nag iisip isip at napatango pagkuwan. 

"Oo nga, mukha ngang may problema kayong lahat."

"Pero ako naman, I think wala naman akong problema."

"Meron..."

"Meron?" tanong ko. 

"Oo. Problema mo kung paano mo pagkakasyahin sa puso mo ang nag-uumapaw mong pag-ibig sa akin," corny niyang sabi. 


Kakainis! Hahaha. 


"Eeeh. Keith naman eh."

He laughed a bit, "Oo na. Seriously, ayokong namomoroblema ka."

"Wala nga akong problema."

"Ano ba sa tingin mo yang pag-iisip mo kung ano na mangyayari sa Icons at kung ano mga problema nila, at kung paano mo sila matutulungan? Hindi ba, problema yan?"


Oo nga nuh? Napaisip isip din ako. Yun nga ang gusto kong sabihin sa kanya kaya nga ako nagpunta dito diba. 

He held my hand.

"And it really hurts my ass dahil hindi man lang kita matutulungan sa problema mong yan dahil una sa lahat, wala naman akong karapatang makialam sa problema niyong magkakaibigan. Lalong-lalo na, hindi ko rin naman alam ang isyu." He sighed. "Aby, that's the common denominator eh. Wala tayong alam sa nangyayari."


Now it's my turn to listen to him all-ears, yan ang Keith ko...


"Hindi naman pupwedeng kabisaduhin mo lahat ng nakalagay sa Math book para masolve mo lahat ng problems doon. Pwera na lang kung tatiyagain mo, sige lang. Pero nothing and no one's perfect. All we have to do is sit straight, take a deep breath and observe the situation. Relax muna. Panuorin mo muna ang mga nangyayari at kapag sa tingin mo, pwede nang magsalita, go ahead and talk until the end of the day. May maibabara ka na sa mga isyu nila dahil nag-observe ka. Well, you should also choose the timing. Kung medyo settled na ba sila at handa na silang makinig sa mga sasabihin mo. That is when you can do your move."


He smiled at me. Trying to make me take the situation easier.


He continued, "Take it easy. Hindi naman sila aalis diba? Nandyan naman sila. Mas magwawala lang sila Mike at Aries kung pagagalitan niyo sila ngayon. Maiinit pa yung mga yun eh."

"Paano mong nalaman na sila ang concern dito?"

"Sino pa ba ang lalaki sa inyo? Usually naman, guys choose to keep their agony kaysa sa mga babae na kapag nagkaproblema, iiiyak sa kaibigan, right?"

"Wala na akong sinabi."


I took a deep breath. Gumaan na ang pakiramdam ko. Iba talaga itong baby ko!


I smiled at him, "Galing mo talaga. Kaya mahal na mahal kita eh!"

"Wala yun. Basta ayoko lang nagkakaproblema ka. Sabihan mo na ako Aby ng kung anu-ano, h'wag ko lang makikita na malungkot ka."


Anubaaa...


I smiled, "Yeah, I promise. Love you, Dy..."

"Love you more, My. Sige na, kumain ka na. Payatot ka na nga, hindi ka pa kumakain."

"Adik..."

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon