Cie's POV:
Mabilis na lumipas ang panahon... Hindi nagtagal ay lumipad na rin papuntang Oxford, England si Audrey. Kami na lang dalawa ni Aries ang naiwan dito sa Pilipinas. Buti na lang talaga at hindi nagbalak na sumunod itong si Aries sa Milan, kundi kawawa ang peg ko dahil mamimiss ko silang lahat.
Buti na lang hindi sila pumalya sa pangakong laging tatawag lalo na si Bie kaya lalo ko siyang namimiss. Balak ko na siyang dalawin sa Amerika kaso wala lang talagang time dahil naging busy na rin. I really focused myself on my studies.
Of course, may hinahabol akong points para maging Laude sa graduation ko, binabalak ko na talaga yun. And in fact, I don't fail on my goal, consistent Dean's lister nga ako eh. Proud na proud ang baklang nasa New York. Sa wakas daw, naging hardworking na ako, kabwisit talaga.
Hindi niya alam, siya ang inspirasyon ko sa mga ginagawa ko. I forgot to tell you, I am currently taking up BS Interior Design in UE and I am already a third year student. One year na lang, gagraduate na. Sana nga next year, makauwi na rin si Bie galing States eh. Ang balita ko, consistent honor student din si Bie sa International school doon taking up BS Accountancy.
Marami ring nanliligaw sa kanya but she made me sure na ako lang daw ang nasa puso niya. Oh diba? How sweet. I-plus mo pa ang mga bantay niya sa Amerika na sila Tita Brenda. Haha! And yeah, kapag nakaipon na ng malaki-laki, aayain ko na siyang magpakasal.
Si Mike, wala naman na akong masyadong naging balita sa isang yun. The last time lang ay yung muntik na itong magpakasal sa anak ng isang board member nila sa kumpanya. Kundi lang talaga siya inindian nung girl sa araw ng kasal nila.
Kumalat ang balita hanggang sa nakarating kay Audrey sa England. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon ni Audrey tungkol doon. Well, siguro wala na rin itong pakialam doon dahil sa pagkakaalam ko, may one-year boyfriend na ito sa England.
Wala pang balak magsabi ang junakis kong yun kung hindi pa binuko ni Aby sa group chat namin nila Bie. Well, I heard that Audrey's boyfriend is very hunk and handsome and most of all, favour dito ang Papa ni Auds. Ang tsismis pa, personal na nagpakilala itong boyfriend ni Auds kila Mayor nang minsang dumalaw ang mga ito sa kanya.
Sabi sa akin ni Aby na kaklase daw ito ni Audrey and going stronger naman daw ang mga ito. Hindi ko lang alam kung alam ni Mike ang tungkol doon. Ewan, hindi ko naman kasi mabalitaan ang pinsan kong yun dahil busy ang peg sa pagma-manage ng kompanya nila at pag-aaral ng BA.
By the way, si Aries. Wala, hindi kami masyadong nagkikita noon. Daig pa nga namin ang nangibang-bansa sa dalang naming magkita. Busy sa kanya-kanyang career eh. He is taking up BS Architecture in UP Diliman. Naging campus heartthrob na din doon, ang balita ko. He's a total jock in the campus, maraming pinapaiyak na babae as usual pero nagulat talaga ako nang minsang surpresahin ko siya sa Diliman. Well, madali kasi siyang matunton dahil sikat siya sa pagiging topnotcher sa klase at bukod doon, gwapo nga.
Going back, ako ang nasurpresa nang sabihin niyang hindi niya ako mahaharap nung time na yun dahil may date daw ito. Pinagtanong-tanong ko nga, aba at may girlfriend na pala ang bugok!
Kinulit ko nga hanggang sa mapilitang ipakilala sa akin yung babae. And darn, she's drop dead gorgeous she just looks like Emma Roberts, half-Canadian na kaklase niya. Legal din pala ang mga ito kila Lolo pero hindi pa daw alam iyon ni Aby dahil bago pa lang daw ang relationship nila.
I got to know Rio better. Mabait ito at cheerful din, madali ko siyang nakajive kasi nga kalog din. And she's very sweet na namiss ko agad si Bie the day na nameet ko ang gel. Binalita ko nga agad kay Bie ang tungkol doon. Haha!
Ang sabi ni Aries, balak niyang ipakilala si Rio sa amin when the rest go back home. I just wonder when it will be. Na-excite ako sa magiging reaksyon ni Aby, imagining na ang dating patay na patay sa kanya, ngayon, may girlfriend na. And I see that they very love each other.
Hindi ko nga binalak sabihin ang tungkol doon kay Aby. Atsaka wala naman ako sa lugar para ipagkalat iyon dahil sa ayaw pa din naman ni Aries. Kay Bie ko lang naman sinabi eh. And I swear to God na hindi niya iyon sasabihin kay Aby, takot lang niya sa mga follow up questions ng babaitang yun.
As of me, syempre bruha ako, s-in-egue ko ang tungkol sa first love ni Aries, kay Rio. And gadh, ngumiti pa siya sa akin and even ask me everything about Aby. Naku-curious daw ito ng sobra-sobra sa junakis ko noon pa man.
I heard na nagkakilala sila ni Aries sa Baguio noon at natutuwa naman ako sa kanilang dalawa, ang kulit talaga nilang tingnan. They really look compatible, I just hope na settled na nga ang tungkol sa Aries-Aby love story na yun kasi mukhang mabait naman itong si Rio and it's obvious na mahal na mahal nito ang kaibigan namin. In turn, masaya na rin ako para sa kanila kahit na hindi na sila Aby at Aries ang magkatuluyan.
Hindi ko na lang alam kung ano ang magiging reaksyon ni Aby kapag nalaman niya ang tungkol kay Rio. Ang balita ko naman sa junakis ko na yun, wala pa namang nagiging boyfie dahil busy sa studies nito. Anyways, she's taking up BS Civil Engineering in the most prestigious university in Italy.
And that is where we will start the second volume of our story. Fate will bring us altogether, for the second time... Maybe, to feel the happiness and longing as well, to share and build new moments together, and maybe... To heal all the wounds made when we drifted apart...
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...