Sorrow

36 4 0
                                    


Aby's POV:


First week of January, andami ko na kaagad iniintindi. 

Unang-una, examination day, todo-review kami dahil third quarter na, kailangang makakuha ng mataas na grades para may posibilidad na makuha sa Top 10, hehe, GC here.  Secondly, may bagyo daw na dadaan sa Visayas at sa Southern Luzon, haay, kidlat mode na naman. I forgot to tell you I have this phobia for lightning and electricity. 

Minsan na kasi akong nakuryente noon na halos ikamatay ko pa, buti na lang daw, nasagip ako ni Aries. Siya raw kasi ang nakakita sa akin na nakatapak sa open wire na ginagamit sa hacienda para iwas-insekto. Gabi kasi noon at umuulan pa, galing ako sa tabing-ilog. Ayun, kahit halos masaktan na rin, nagawa pa rin niya akong sagipin. 

Yeah I know, I owe him my life. Kaya nga kapag bumabagyo o may kidlat, tumatabi ako sa kanya sa higaan dahil feeling ko safe ako sa tabi niya. Sa kanya lang naman ako nakakaramdam ng security. Haay, paano na yun? Eh kung magkagalit nga kami, kanino ako pupunta para magpayakap?

And lastly, lumabas na ang result ng UPCAT, just a jackpot, nakapasa ako sa UP Diliman sa course na Business Administration. Pangarap kasi naming mga Icons na mag-aral sa UP Diliman at mag-enrol ng same courses para magkakasama pa rin. Bukod dun, hihilutin pa namin sila Mommy at Daddy na hindi kami matutuloy sa Milan. Pagka-graduate na lang. Haha. 

Pag sinuswerte ka nga naman, kami lang ni Aries ang pumasa sa Diliman. Architecture pa ang nakuha niya. Sila Bie at Mike naman, sa UP Los Banos, magkaiba rin ng course. Si Audrey, sa UP Baguio. At si Cie, hindi pinalad. 

At si Keith, aish! Sa UP Manila pa nakapasa. Poker face na lang ako.


"Bakla, paano ba yan? Ano, mag-aapply pa ba tayo sa Ateneo?"

Tanong sa akin ni Bie, nandito kami ngayon ni Bakla sa canteen. Break time kasi at nagkaayaan kami na magmerienda.

"Siguro. Tanungin din natin sila."

"Buti pa kayo ni Aries, magkasama."

"Kayo din naman ni Mike ha?"

"Hmp, as if namang mag-aaral dun yun? Hello, Los Banos yun."

"Oo nga pala. Eh si Cie daw ba? Ano balak?"

"Ewan ko dun sa baklang yun, wala akong pakialam dun," may pag-irap pa nga ng mata si bakla. 

"Aba, bago yan ah. May nangyari ba? Don't tell me, pati kayo, nag-aaway na?"

"Hmp, I'm trying to move on here. Alam ko namang wala na akong pag-asa sa isang yun nuh?"

"Baks..." I tapped her back. 

"Don't worry about me. Ikaw? Kumusta kayo ni Aries? Nakausap mo na ba siya?"

I took a deep breath,  "Wag muna natin siyang pag-usapan, nababadtrip ako eh. Tara na ngang bumalik. Baka mamaya, nandun na yung proctor natin, ma-late pa tayo sa exam."

"Sige."


Tamang-tama naman dahil pagbalik namin sa room ay dumating na ang proctor namin sa Math exam. Umayos na rin kami ng upo.

"Uy mga bading, si Mike saka si Audrey?" tanong sa amin ni Cie. 

Bie and I looked at each other.  Wala nga sila Audrey, magsisimula na ang exam ah. Matawagan nga. 

"Out of coverage area si Audrey. Si Mike ba?" lingon ko kay Bie. 

"Get one and pass," simula na ng proctor habang isa-isang binibigay sa harapan ang mga exam papers.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon