Unmasked

29 4 0
                                    


Bie's POV:

*Mabini, Batangas:

Yihee. And I'm sure na nandito na nga ako sa aking lupang sinilangan, ang Batangas! Bow! Funny eh? Haha! Ay, ba't ang saya ko naman?


Kasi makikita mo na ulit ang bebe mo. Haha, yan ang sagot!


Well, galing kasi ako sa Cebu. I attended a seminar regarding the techniques on how to properly manage your business. Ako kasi ang pinadala ng kinauukulan para mag-minute ng mga tips and of course, hindi man nila sabihin, magaling akong manghikayat ng stock holders na pwede naming maging investor sa resort. Maganda ako eh. Haha.

Enough said. So nakauwi na nga ako, diretso ako sa resort namin na pinangalanan naming Villa de Paraiso. Ganda divine? Ako nakaisip nyan!


Well, the resort deserves its name naman. Kasi this resort is one of the best beaches and private resorts not only here in Batangas but also, all over CALABARZON. Aba, eh top of the lines ba naman ang facilities dito, bukod pa yung naggagandahang mga inns and cottages na ang bebe ko at si Aries mismo ang nag-design.

Papahuli pa ba ang good services namin na ako at si Rio ang nangangasiwa? Mana lang sa amin ang mga yun, magaganda na, mababait pa. Hahaha! Well, si Audrey at si Aby? Ipapatapon ko na yung mga yun, charot! Mga busy ang peg eh. Lalo na si Aby? Aish. Sasabunutan ko talaga yun pag nakauwi na siya. Ten years?! And still, hindi pa bumabalik? Sobrang sinubsob ng bruha ang mukha sa Italya.


Enough said ulit, nauntol ang iniisip ko nang may tumawag sa akin.


"Ms. Bie Vergara, right?" magalang na lumapit sa akin ang isang lalaking hindi siguro nalalayo sa edad ng kuya ko. Naka-polo shirt sya na white at slacks at leather shoes. 

Gwapo! Pero mas gwapo ang bebe ko.

"Yes, ako nga. Ano kailangan nila?" syempre, smile lang ako dahil PR din ang tawag dito.

"I just want to give you this," may inabot siya sa aking sobre. More like an invitation.

"We would like to invite you in the grand opening of our resort. It will be officially opened to the public by next week. And it will be our pleasure if you, with certain names on the invitation will come."


Eh kung sipain ko kaya ito sa balls nito at ipatapon sa dagat? Ang lakas ng loob. Kalaban naman pala namin!


He smiled, mukhang nabasa sa mukha ko ang naiisip ko, "No offense meant, Ms. Vergara. Malugod lang po namin kayong iniimbitahan."


Argh. Okay. Buti na lang hindi siya rude.


"Okay, we'll see," tinanguan ko na lang siya at dumiresto na ako sa penthouse. Doon ko naabutan sina Aries, Rio at syempre ang bebe ko!


"Bebe ko!" tawag ko sa aking jowa. 

"Bebe ko!!!" tugon ni Cedric. 

He hurried towards me and he immediately gave me a peck on the lips. Eeeeh. Sweet naman... Kinikilig ako.

"I missed you, bebe ko," sabi ko sa kanya sabay yakap na parang pagod na pagod. 

"I missed you more, bebe. Hindi mo ko tinawagan na pauwi ka na pala. Sana nasundo kita sa airport."

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon