Rio's POV:
Aries totally changed... Since that night Aby came home crying, sumunod na dumating si Aries na wala nang kibo kahit na halos magalit na sila Lolo sa kanya. They were asking what's happened pero miski isa sa kanila, hindi na nagkwento o nagpaliwanag sa nangyari.
Hanggang sa kusa na lang humupa ang isyu, hindi na nga namin nalaman kung ano ang tunay na nangyari. Even Bie cannot make Aby speak. Wala na rin kaming nagawa.
Weeks have passed and Aries seemed to be a living zombie. Mas dumalang na siyang magsalita at magpakita ng emosyon. Magsasalita lang siya kapag may tinatanong ka sa kanyang mahalaga.
That frustrates me, what the hell happened to him? He made himself away from the ones who love him. Ako. Isa ako doon. Isa ako sa mga umaasa na one day, babalik siya sa dati. Kasi ang sakit isipin na unti-unti siyang nawawalan ng buhay.
Am I killing him little by little? I'm just trying to show him how much I love him, is it my fault now?
Minsan, Cie called me up and he was telling me that Aries went to their house in Tagaytay and asked to have a drink with him. Lasing na lasing siya nang abutan ko siya. He was even crying and shouting Aby's name.
Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Nakikita ko rin na naaawa na sila Bie at Mommy sa akin pero kailangan kong ipakitang okay ako para sa kanya. Hindi ko na muna tinuloy ang operation ko scheduled last two weeks dahil inatake ako ng guilt. Bakit ko kasi naman gagawin iyon? Para mapasaakin ng tuluyan si Aries sa maling paraan?
Para saan pa at kinausap ko pa noon si Aby? It seemed like I cheated on an examination to just pass it. Nakakakonsensya. Sinabi ko ang tungkol doon kay Mommy and she was crying like hell. She even told me that she would forget what I did kung ipagtatapat ko ang lahat kay Aries at kung pakakawalan ko na siya.
We had an argument about it hanggang sa point na nasabi niyang parang hindi ako si Rio na pinalaki niya para maging moral at may takot sa Diyos.
The realization hits me. It's like a thousand darts hit my heart. Miski ako sa sarili ko, nasabi kong parang hindi ko na ito kilala. Ganun ba ang pinangarap kong relasyon sa taong pinakamamahal ko? Ang mamuhay sa kasinungalingan habang buhay?
I have to do something. Ayokong dumating sa point na kapag nalaman niya ang totoo, kamumuhian niya ako. And I'm sure magagawa niya iyon dahil doon pa lang sa ginawa niyang pagpili sa akin, nawala ang buhay niya sa kanya.
Maybe Aries is not meant for me, it might be painful to let him go but I have to accept it. Accept the fact that he will be happy to be with someone else and setting him free is the most obvious sign that I really love him so much I want him to be happy...
I went back to my senses when he went out of Mr. A's office. I sighed, sunod-sunod na araw na siyang napapagalitan dahil sa mga works na hindi niya nagagawa.
"Hey Rio, may problema yata si Pareng Aries ha. Kausapin mo na, malala na yan," sabi sa akin ng kasama namin sa design team.
I just nodded and sighed. Kung alam lang nito kung ilang beses na akong nag-try para kausapin lang ni Aries tungkol sa problema niya.
Aries went to his cubicle and I heard him sigh. Tulala na naman.
I am just looking at him. Halata sa mukha niya ang ilang araw na puyat at hang-overs. Kapag pumupunta kasi ako sa unit niya, lagi siyang wala doon at kapag hinihintay ko naman siya, aabot hanggang sa madaling-araw bago siya umuwi. Pag naabutan naman niya ako doon, hindi naman niya ako papansinin as if I don't exist. Nakakaiyak lang, sobra.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...