Confessions

34 4 0
                                    


Audrey's POV:


Maaga kaming nagtipon-tipon sa labas ng mansion para sa main part ng retreat--- ang confession and confrontation. 

Ginaganap ito kasi ng mga Seniors para sabihin nila ang mga nasasaloob nila sa mga kaklase at teachers, walang bawal, kahit murahan pwede. Kasi doon mo naman nailalabas ang emosyon mo towards the other diba? It also aims to clear our emotional problems dahil magkakahiwa-hiwalay na nga, last chance na iyon kung saka-sakali. And last but not the least, it builds stronger bond among us.


Pero sa tingin ko, sa part ko, hindi mangyayari yun. Until now kasi, hindi pa rin ako kinakausap ni Mike. Kung sa akin lang, okay naman na ang lahat. Syempre, kahit papaano, alam kong awkward pa rin. Pero hello? Siya ang nakipag-break, ako dapat ang bitter right?


Pero siya pa yata ang bitter sa aming dalawa, ano kayang problema niya? Maitanong nga mamaya.


Siguro last chance na rin ito na tatanungin ko siya about sa bagay na yun kasi may hula ako na tuluyan na itong aalis sa buhay namin after graduation dahil nabanggit sa akin ni Cie na baka bumalik sa Brazil si Mike. Well, siguro, mas makakabuti na yun para sa aming dalawa.


Sana nga lang, clear and clean na ang goodbyes namin sa isa't-isa...



Naputol ang daloy ng iniisip ko nang tumabi sa akin si Cie, pumapalibot na kasi kami ngayon sa bonfire para masimulan na ang retreat. I sighed, bukas, uuwi na kami. Balik-Mabini na naman. I have to enjoy this, cherish this moment. Kaya dapat wala muna akong iniisip tungkol sa mga worries ko sa buhay.

"Auds, ikaw, sino babanggitin mo mamaya?"

Napatingin ako kay Cie. Nag-log pa nga ako ng kaunti dahil seryosong-seryoso siyang nagtatanong sa akin. Minsan lang siya umakto ng ganun, he acts serious when he is really one.

"Hindi ko pa alam. Baka si Mike," kibit-balikat kong sagot. 

"Akala ko ba, moved on ka na?"

"I just want this to be officially closed once and for all. Awkward siya sa akin eh."

"Ows?"

"Ikaw, sino sasabihin mo mamaya?"

"Si Barbie."


Tumingin siya kay Barbie na masaya namang nakikipagdaldalan kay Aby. Nakatabi ang mga ito kay Aries na kumibo-dili sa isang gilid. Malaki kasi ang bilog na nagawa namin dahil dalawang sections ng Seniors ang nandito ngayon.

"Si Bie? Bakit si Bie?"

Cie sighed, "Wala lang. Basta, mamaya na lang."


Several minutes after ay nagsimula na kami. Pinangunahan ni Ms. Gonzales at ni Mr. Soliman na adviser naman ng Section 2. Nakakaiyak na agad dahil sa mga sinabing mga payo ng mga advisers namin sa amin. 

Ito na, napi-feel ko na aalis na nga kami sa high school at aakyat na sa another stage ng buhay namin, ang college life...


"Kahit ano ang gawin natin, people come and go. Nasasaatin na lang yun kung paano natin ite-treasure yung memories na nakasama natin sila." Ms. Gonzales wiped her tears, "Mamimiss ko kayo. Isa kayo sa pinakamasayang batch na naturuan ko. And before I forget, I just want to tell you guys na I am so proud of you. Magpapakabait kayo ha?"

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon