Aries' POV:
Sa garden ginanap ang mini-celebration sa birthday ni Daddy at ang welcome party na rin para sa kanila ni Mommy. Dumalo doon ang mga trabahador ng Hacienda Miguelenos at ng ibang kaibigan ni Daddy noong nasa Pilipinas pa siya... Tuwang-tuwa naman syempre ang magaling kong kapatid.
"Daddy, bakit hindi niyo po sinabi na uuwi pala kayo?" mahigpit na yakap-yakap pa rin ni Ella si Daddy.
"Of course, sweetheart. Para hindi ka na maabala pa sa kahihintay sa amin," nakangiting sagot naman ni Daddy kay Ella. Kay Daddy niya talaga nakuha ang mata niya na tsinita.
"Yeah. Sigurado kaming kukulitin mo kami kapag nalaman mo eh," pabiro namang sabi ni Mommy dahilan kung bakit napalingon sa akin si Ella.
Oh, ano na namang kasalanan ko?
"Ang daya. Bakit si Aries? Alam niya?," turo sa akin ni Ella. Tumingin tuloy sila sa akin. Pati na rin sina Lolo at Lola.
Dyahe.
"Actually sweetheart, he is the one behind this surprise. He suggested it," si Daddy.
This time, tiningnan ako ng masama ni Ella... Kinabahan ako. Ano na naman ba?
"We'll talk later... Kuya..."
Kuya . Yan ang tinatawag niya sa akin kapag seryoso na siya sa isang bagay or di kaya ay kung seryoso siya sa mga sinasabi niya.
"Hala ka, Aries. Paano ba yan?" at nagawa pa talagang tanungin yun ni Mommy. Napalunok tuloy ako at tumingin kay Ella.
Though she smiled at me after that.
"Joke lang. Masaya naman ako eh. Sweet nga ng ginawa mo, Aries eh."
That released me from suffocation... Ginulo ko ang buhok niya na madalas ko namang ginagawa sa kanya. Pagkatapos nun ay nag-aya nang kumain si Daddy.
Grabe, ang daldal niya. Masaya nga ang baboy na ito. Sa isang tao lang naman ito tumatameme eh. Haaay.
Kay Keith.
Na alam ko namang mahal din siya. Pero ano magagawa namin diba? Parang may kung ano dito na ayaw namin. Naputol ang daloy ng iniisip ko nang magsalita sa harap si Daddy.
"Mic test. Test Mic," clearing his throat. "Una sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil dumalo kayo dito sa munting salu-salo na ginawa ng panganay kong anak para sa birthday ko at para sa pag-uwi namin ni Anna."
Tumingin sa akin si Daddy at ngumiti. Pero mas mahalaga naman ang ngiting natanggap ko galing kay Ella na lumingon din sa akin.
"With the help of Papa and Mama, sabi nila hindi na sila mag-aabala pero ito, kabaligtaran pala," narinig namin ang mumunting tawanan sa mga bisita niya. "Ahm. Pano ko ba sisimulan ito? Pasensya na kayo. Medyo hindi kasi ako sanay na humarap sa daan-daang tao. Mga thirty lang pwede na." Patuloy na pagbibiro niya. "I just want you to know guys, na baka pagkatapos nito, matagalan pa ng ilang taon ang pamamalagi namin sa Milan. Anna and I are promoted in our fields."
"Wow. Congratulations, Mom," si Ella at niyakap naman si Mommy.
"Thanks sweetie."
"Congrats, Ma." sabi ko at niyakap rin si Mommy.
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...