Christmas and New Year Celebration

31 4 1
                                    


Bie's POV:


I'll do anything for you...kill anyone for you

So leave yourself intact... Cause I will be coming back

In a phrase to crush these lips, I love you...


"Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit---" Shhett! Nandun na yung momentum ko sa pagkanta ng Wake up ng Coheed and Cambria eh. Tapos babanatan ako ng pangangaroling ng mga batang wala namang ginawa kundi ulit-ulitin na lang ang kanta na yun sa amin gabi-gabi para lang makakuha ng sampo? Nawili naman yata sila.

"Wala! Patawaaad!!!"

Sigaw ko sa kanila. Feeling ko kasi ayokong tumayo at baka maalis pa ang tingin ko sa pagla-laptop ko. And by the way, I'm so addicted to surfing the internet. As in!

Haha. Wala namang nagtatanong diba?


"Thank you... Thank you... Ang babarat ninyo, thank you!"


Aba aba! Ako pa yata hinahamon ng mga batang yun ah. Patakbo akong pumunta sa pinto namin na may screen. Nagtakbuhan naman ang mga ito nung na-sense nilang babangasan ko sila. Buset eh.

Mama laughed, "Oh sige, patulan mo pa sila. Kadalaga mong tao, anak."

"Mga buwisit kasi Mama eh. Aba, ginabi-gabi na tayo, yun lang naman ang kanta nila."

"Winili kasi ng Kuya mong sampo-sampo ang bigay kada pupunta yang mga iyan dito eh."

"Ako na naman," biglang sulpot ng Kuya ko mula sa kwarto niya. Umupo ito sa sofa na malapit sa akin. "Uy, Kiray. Dalian mo dyan, ako naman. Kanina ka pa dyan, hindi ka na natapos."

"Mama, si Kuya oh! Namimwisit na naman."

Kiray... Yan ang tawag niya sa akin. Paano naman daw, kahawig ko raw si Kiray. Hmmp. Asar siya, pag ako gumanda, hindi ko siya papansinin. At malapit na yun.

"Totoo naman kasi," patuloy niyang pang-aasar sa akin. 

"Tigilan mo yan Roy ha?" saway ni Mama kahit tatawa-tawa din naman. 

"Hay naku, bakit hindi ka pa kasi pumayag sa offer ni Lola na magmigrate sa States, magparetoke ka dun, maganda dun," saad ni Kuya sabay kuha sa akin ang laptop. 

"Hmmmp! Kuya!!!"


Tumawa-tawa pa ito na para talagang tawang inilaan lang sa akin para buwisitin ako.


"Eh sa ayoko nga dun eh. Bakit hindi ikaw?"

"Tungaks ba? Edi naiwan ko naman ang girlfriend ko dito? Utak naman, Bie."

"Ganun naman pala eh. Edi hindi ko rin maiiwan sila Mama at ang Icons dito nuh? Utak naman, Kuya."

"Hahaha. Yung barkada mong iniwan ka naman pagdating sa itsura?"


Hmmmmp... Kung wala lang talaga dito si Mama, makakatikim ito sa akin. Pinakamaganda kaya ako sa aming anim, tama naman diba? Hehehe.


"Ma, nasusunog na po yata yung niluluto niyo," untag ko kay Mama. 

"Ay oo nga pala."

Agad-agad itong tumakbo papunta sa kusina, haha. Nawiwili kasi sa pagbabasa ng pocketbook eh. Hopeless romantic din ang isang yun simula nang sumakabilang bahay si Papa.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon