Sunset

38 4 0
                                    


Bie's POV:


Hindi na kami nakatulog nila Audrey buong gabi dahil nawawala nga sila Aby at Keith. At hindi na tumatawag si Aries. Nawiwindang na kami kung ano na nangyayari sa tatlong yun. Kaya napagdesisyonan na naming sabihin iyon kay Ms. Gonzales.


Just as expected, nagkagulo na sa mansion.

Well, I think tama naman na yung ginawa namin nila Mike diba? Kapakanan naman nila Aby ang hangad namin. And we're worried sick. Nag-ipon-ipon kaming mga Seniors sa lobby alas-kwatro na ng madaling-araw.

"Bie, you think hindi magalit nito sila Aby at Aries?" nag-aalalang tanong ni Cie. 

"Magagalit sila pero nag-aalala lang din naman tayo sa kanila ha?" 

"Pero hindi mo ba heard ang mga bulong-bulungan ditey? Na kesyo nag-hotel nga daw sila Aby at Keith," mahina niyang tugon sa akin, nag-aalangan na baka marinig sya ng iba naming kasamahan na seniors. 

"Cie, kilala natin si Aby. Hindi niya gagawin yun. Mas maniniwala ka ba naman sa mga tsismosa na yan kesa sa sarili mong kaibigan?" tanong na ni Audrey. 

"Hindi si Aby ang pinagdududahan dito, yung Keith na yun!" sabad ni Mike dahil mukhang hindi na rin ito mapakali sa ingay ng mga kaklase namin. 


Kanina pa umalis ang mga staff ng mansion at si Ms. Gonzales para hanapin sila Aby. Pagkuwan ay dumaan sila Meg and company sa harap namin, ang alam ko kasi, insecure ito kay Aby eh dahil may gusto ito kay Keith. Hindi naman siya pinapatulan.

"Hay naku, sabi na nga ba, kung titingnan mo parang hindi makabasag pinggan pero ngayon naman, mukhang nag-eenjoy sa ginagawa nila ni Keith, hindi pa umuwi."

"Tama!" pag-sang ayon naman ng mga kaibigan niya. Hmmmp! Sarap pagbuhulin ng mga dila. 

Susugurin na namin sana ni Cie ang mga ito nang pigilan kami nila Audrey at Mike. At dahil sa braso ko humawak si Audrey at si Mike na nasa likuran ko lang naman, nahawakan pa ni Mike ang kamay ni Audrey.


Awkward???


Sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon??


"Mga bwisit na mga babaeng yun!!! Maghintay lang talaga silang mapuno ako, pagbubuhol-buhulin ko mga nguso nila!" nanggigigil na sabi ni Cie.

Napailing na lang ako. Relax. Relax Bie. You know Aby, hindi niya gagawin yun. Pamaya-maya ay dumating na nga sila Ms. Gonzales kasama ang basang-basang si Aby. Bulungan na naman.


 Nilapitan naming apat si Aby...

"Class, quiet!" saway ni Ms. Gonzales. 

"Bakla, what happened? Si Keith, si Aries??" tanong ko sa kanya. Nakatulala lang sya pero nanginginig ang buong katawan. Baka kanina pa ito nasa ulanan. 

"Aby, are you alright?" si Cie.

"Aby..." si Audrey. 

"Hayaan niyo muna siyang magpalit, baka magkasakit siya. Audrey, Bie, samahan niyo na lang siya sa kwarto niyo. And Aby?? I'll wait for you in my room." ani Ms. Gonzales. 


Umalis na si Ms. Gonzales kaya nagkaingay na naman ang mga kaklase namin. Dahil naapektuhan na rin ng mga pangangantsaw, patakbong pumunta sa room namin si Aby.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon