Icons

26 4 0
                                    


Aries' point of view:

Ngingisi-ngisi pa ako sa iniisip. Paano naman kasi, binabalak naming surpresahin si Ella dahil lingid sa kaalaman nito, dumating sila Mommy at Daddy para dito sa hacienda namin ise-celebrate ang birthday ni Daddy. 


Yeah, I used to call them like that because they were the ones who wanted me to call them that way. 'Cause they also treated me as their real son and I wanted to thank them for that.

Really thank them for that because I wouldn't have turned to be Aries or Andrei kung hindi dahil sa pamilya San Miguel. 

Despite the fact, never did I intend na ite-take advantage ko sila, never in my whole life. That I know where I should put myself at ayokong magalit si Ella--- the most important gift I've ever treasured in my entire life.


Tahimik na tahimik akong pumasok sa silid ni Ella para lang maabutan siyang nahihimbing pa sa kama niya. I almost burst a laughter nang kumilos siya at halos bumahing dahil kinikiliti ko ang pointed niyang ilong gamit ang buhok niyang natural namang alun-alon at kulay golden brown, mana kay Mommy...


"Ella?" mahina kong pagkakasabi.


This time, niyuyugyog ko na ng mahina ang mga balikat niya. I wanted to wake her up para makagayak na siya dahil pupunta kami sa tabing-ilog. Mike already texted me na nandun na daw sila at nakaayos na rin ang mga pasalubong niya mula kila Daddy. Sure na maiiyak pa siya sa sobrang tuwa kapag nalaman niyang nasa bayan na sila Mommy.


"Uy, Ella?"


"Ano?", malat pang tugon niya. 


"Bangon na. Uy, baboy!"


Haha, she shouted in pain because I jumped on top of her na parang nire-wrestling ko lang siya. 


"Ouch!!! Aries! Aaaahhhh!!! Lola!!! Si Aries!!!", sigaw niya. 


"They won't hear you, nasa bayan sila! Kaya bumangon ka na, baboy!", patuloy na pang-aasar ko. Patuloy na nire-wrestling siya. 


"How can I get up kung dinadapurak mo ako!? Umalis ka nga dyan!" angil niya. She pushed me hard na nakapagpaalis nga sa akin sa bed niya, haha, lakas. Baboy talaga...


"What do you want?!", pupungas-pungas pa siyang bumangon pero parang may megaphone namang nakain kung makasigaw.


"Alam mo ba kung anong oras na? Alas-dyis na, kanina pa nasa tabing-ilog sila Bie, tayo na lang ang hinihintay. Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi at napuyat ka ng ganyan?? Nakalimutan mo pa na may usapang magkikita-kita tayo?", litanya ko pa nga sa kanya. 


"Argh! Blah blah blah! Kaaga-aga, nakalunok ka ba ng megaphone?"

Look who's talking...Bumuntung-hininga sya at nagpusod ng buhok saka nagligpit ng higaan. Infairness, woke up like this lang?  

"Napuyat ako kakahintay sa tawag ni Daddy pero wala naman akong nareceived," aniya. 

"Eh bakit mo kasi hindi tinawagan? Siya ang may birthday, hindi ikaw," paalala ko sa kanya. I earned a glare for that. 

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon