Ella left.Ella left me all alone. I tried to stop her but she didn't even look behind. Buo na kasi ang desisyon niyang bumalik na sa Milan kasama si Alex. Pagkapasok nila sa boarding area, nawala na rin ang ngiti kong pilit na ipinapakita sa kanya noong kaharap niya ako.
Hindi ko talaga matanggap na babalik siya ng biglaan sa Italy kung kailan okay na kaming dalawa. Nagkasundo na nga kaming magmu-move on ng sabay. Siya, magmu-move on kay Keith; ako naman sa kanya.
Pero bakit ganun? Bakit bigla siyang umalis? Sila Daddy nga na nag-aaya sa kanya noon na sumama pabalik sa Milan, hindi umubra pero bakit noong dumating lang yung best friend niya sa Italy, napapayag siya kaagad?
Knowing Ella, hindi siya agad-agad gagawa ng isang mabigat na desisyon kung wala siyang mabigat na dahilan. I tried to talk to her and ask her what's the real reason behind pero miski yata pagkakataon, hindi na ako pinagbigyan...
She left. Wala na akong ibang nagawa kung hindi umasa at maghintay sa pagbabalik niya. Sabi niya, babalik siya. Kailangan lang niyang umuwi sa Milan. I waited for her. I waited for her to come back pero bumilang ng isang buwan, isang taon. Walang Ella'ng bumalik.
Until I found myself giving up. Unti-unti, natatanggap ko na ang katotohanan na hindi na siya babalik. Nandun sila Daddy at Mommy, nandun ang buhay niya. Siguro nga, wala na akong halaga sa kanya. Maybe, napipilitan na lang siyang tumawag sa akin para kamustahin sila Lolo at Lola pero wala na talaga siyang balak bumalik pa dito.
Umalis na rin kasi sila Bie, Audrey at Mike. Hindi ko rin alam kung kailan din sila babalik. Cie and I got to be so busy with our lives na madalang na rin kaming magkita at magkausap. I chose to take up Architecture dahil yun naman ang napag-usapan namin ni Ella. Siya, Civil Engineering ang kinukuha niya sa Italy. Yeah, I was just pathetically hoping that she would come back and we would still continue what we had planned-- na magiging team kami at gagawan namin ng bahay sila Daddy dito sa hacienda.
Pero hindi na yun nangyari. Hanggang sa makita ko na lang ang sarili kong napapalapit kay Rio. Rio used to study in UP Diliman, same with me. Magkaklase kami sa halos lahat ng units dahil inaya ko din naman siyang mag-aral na lang dito sa Pilipinas. Dahil sa tiyaga namin, na-hack namin lahat ng student records niya sa highschool na pinag-aaralan niya noon sa Canada at nagawa pa niyang makapasok sa Iskolar ng Bayan Circle. Rio taught me how to look at different perspective.
Sobra kasi akong nasaktan sa naging pag-alis ni Ella and I saw the pity on my friends' eyes. I hated that! That's why I eventually taught myself how to hide my true feelings. Kung nasasaktan man ako, hindi na dapat nila malaman iyon. I had totally learned how to show an expressionless face.
Pero dahil kay Rio, napapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit but everytime na magkakasama na kami at papayuhan niya akong magmove forward sa buhay, okay na ulit ako. I appreciated her little efforts that got me to look at the brighter side of everything. I thanked her for that. Hanggang sa maappreciate ko na rin kung gaano siya kaganda, ka-sweet, at ka-positive sa buhay...
I courted her. Next thing I knew, kami na pala... I got to be happy when she made me realized na mayroon pa palang buhay sa labas ng pagmamahal ko kay Ella. Natuto akong ngumiti ulit sa mundo. I started to fall helplessly in love with Rio...
Yun ang akala ko.
"Aries. It's Ella."
I intentionally pulled myself from taking a deep breath. Ella called me up after ages. The hell! I touched my chest. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Am I palpitating? O dahil sa biglaan lang siyang tumawag after a long time kaya nagulat lang ako?
BINABASA MO ANG
Friendzone
RomanceIsang malawak na lupain na kulay luntian, mahalimuyak ngunit nakakagising na hinahatid ng hangin ang bango ng lugar... Halos mapuno ng kasiyahan dahil sa mga tao na laging ngumingiti makasalubong pa lang; masaya, maganda, malinis at higit sa lahat a...