Untitled

28 4 0
                                    


Aby's POV:


"Gabriella Rivera San Miguel, will you be my girlfriend?"


"Keith..."

Bakit ganun? Bakit parang bumitin pa sa hangin ang gusto kong sabihin? Parang lahat tuloy pati ako, naghintay sa magiging sagot ko. 

I was staring at him as I nodded. Dulot niyon, nagsimula nang maglandas ang mga luha ko. I told him-

"Yes, Keith. Yes, I will be your girlfriend."


He shouted for joy after ko sumagot. Marami na ring nagsigawan doon. He hugged me and stared at me for a matter of seconds.


"Wala nang bawian yan ha? Girlfriend na kita."

"Oo nga."

"Yes!!! I love you, Aby."

I smiled at him, "I love you too, Keith."



Aries' POV:


Ito na naman po ako. Emo na naman. Matapos kasing panuorin ang melodramang eksenang yun, dumiretso na ako sa classroom namin na parang walang nangyari. 

I'm speechless, I'm shock. Takte. Akala ko mag-uumpisa pa lang manligaw si Keith pero pagiging boyfriend na pala ni Ella ang hihingin nitong posisyon sa buhay niya.

Ewan, hindi ko rin maintindihan yung sarili ko eh. Para lang akong tanga. Nasasaktan, gets niyo na yun. Pero hindi ko naman magawang umiyak at magalit kay Ella at sa Keith na yun. 

Hindi ko alam. Parang wala rin naman na akong ganang alamin pa yun sa sarili ko. Basta, ngumiti na lang ako as a sign of pagsuko nang makita kong masaya si Ella. Naiyak pa nga siya eh. Ang proud pala sa sarili kapag napapaiyak mo ang isang babae; hindi dahil sa sinasaktan mo siya; kundi dahil, sa sobrang saya niya hindi na niya malaman kung paano ipapakita.


Pero mas nakakaproud siguro kung ako ang iniiyakan niya ng ganun nuh?

Psh. Now, spell ASA Aries.



May tumapik sa akin sa balikat. Pag-angat ko ng ulo ko mula sa pagkakayuko ay nakita ko si Mike na parang awang-awa sa nakikita niya sa itsura ko. Hindi ko alam at wala naman na akong pakelam pa dun.

"Nabalitaan ko agad ha? O bakit wala kang ginagawa?"

Aning ba ito?? Sa tingin niya, may lakas pa akong lumaban dun sa Keith na yun. Sila na ng taong pinakamamahal ko uy!

Mike sighed and sat beside me, "Sensya na, hindi tayo nakapanggulo. Nagka-aberya kasi sa bahay eh. Hindi ako agad pinalabas nung mga bugok na security guards ng bahay nila Mommy."

Napangiti ako ng malungkot. 


"Guys..." nag-aalangang saad ni Cie. 

Tawag nito sa amin ni Mike pero sa akin lang siya nakatingin. Parang ito pa ang kababanaagan ng pagkalugi ng negosyo sa nakikita ko ah. Gusto kong matawa, pero walang lumalabas miski 'ha' sa bibig ko. Putsa.

"Uy, lalaki. Saan ka galing? Bakit ka na-late?" tanong ni Audrey kay Mike. 

"Kasi---"

"Aries, akala namin pipigilan mo si Kit?" kaagad din naman niyang tanong sa akin. 

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon