Retreat (Long chapter)

30 4 2
                                    



Aries's POV:


Okay na nga talaga kami ni Ella. Kahit at times na nagseselos ako sa kanila ni Keith, ina-assure niya ako palagi na hindi ako dapat magselos.

Yun na nga ang ginagawa ko. Natuwa naman sila Bie sa nangyari. Tinulungan ko na rin si Ella na ibalik ang Icons. Kahit naman may problema si Mike, at obvious naman yun, ay lagi pa rin siyang sumasama sa amin. Ang hindi na lang namin mahagilap ngayon ay si Audrey.


Sabi nila Bie, grounded daw si Audrey na tatagal ng hindi namin alam. Basta, hindi kami pwedeng makalapit dito. Lalo na si Mike dahil bantay-sarado ito ni Manong Abner, ang bodyguard nito.

Well, ang kwento sa akin ni Mike, siya naman daw talaga ang may kasalanan, problema at nakipag-break dahil ayaw na niyang madamay pa si Audrey sa kanya. Hinahayaan na lang namin siya dahil kapag pinagsabihan mo, mapipikon pa.


Mahal pa niya si Audrey eh. Kaso sadyang mataas lang ang pride niya. Si Audrey naman, ayun... May nakapilang manliligaw dahil sa nabalitaan nga ang nangyari. Si Mike din naman eh, maraming chicks na nagpapapansin sa kanya but his eyes are all-set to Audrey. Nabalitaan na kasi sa buong high school na break na ang Mr. & Ms. Campus Beauty.


Kaya nga nung JS Prom, napakaraming girls ang nakapaligid sa taeng Michael na yun na halos sila na ang mag-ayang magsayaw sa kaibigan ko kaso badtrip naman itong Mike dahil hindi um-attend itong si Audrey, grounded nga kasi.


Well, sino ba naman kasing babae ang hindi magkakagusto sa kaibigan kong ubod ng suplado, yaman at gwapo? I-plus mo pa ang sex appeal nito. Kung babae nga lang ako, baka isa na ako sa humahabol sa kanya eh.


Sadyang tanga lang dahil hindi kayang ipaglaban si Audrey.

Natawa ako, look who's talking. Magkaibigan nga kami.


Si Bie nga pala, ayun. Lungkut-lungkotan dahil aalis na yata siya after graduation papuntang New York dahil hindi na yata niya matakasan ang Lola niya. Si Cie, I don't know why pero lagi na lang badtrip sa tuwing maaalala ang tungkol sa pag-alis ni Bie. Kung hindi nga lang ito bakla, baka isipin ko na may gusto ito sa bestfriend ni Ella eh.


At si Ella, shame on me, pero may gusto pa rin ako sa kanya. Wala naman akong magagawa eh, hindi rin naman ako maka-move on. Ano nga kaya kung magtapat ako sa kanya? May pag-asa kaya?


Eh kesa naman magsisi pa ako balang-araw kung bakit hindi ko nasabi sa kanya, diba?


But I'm also afraid that I will lose her if I told her how I feel. Takot ko lang sa rejection. Kilala ko pa naman yun. Sa dami din ng manliligaw nun, kapag hindi niya gusto, iniiwasan niya.


Paano kung hindi niya ako gusto? Paano kung kapatid lang talaga ang turing niya sa akin??

Sinayaw ko siya nung JS Prom. Takte, selos na selos ako eh.


Kaya naman naka-dalawang kanta muna kami bago ko siya inihatid sa pwesto nila ni Keith. Tae, swerte ni loko. H'wag na h'wag lang niyang sasaktan si Ella, makikita niya...

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon