PROLOGUE

1.2K 27 0
                                    

THE MISTER GHOST OBSESSION

-PROLOGO-


Lahat tayo at nakaranas na ng pag-ibig. Lahat tayo sumugal na sa pag-ibig. Tanging  pag-ibig lamang ang tanging dahilan kung bakit nanatiling tahimik ang ating mundo. Ngunit sa kabila ng lahat, pag-ibig rin ang minsang sumisira ng lahat. Nang dahil sa pag-ibig ay may mga taong handang maghamak at manakit. May mga handang gumawa ng masama makuha lamang nito ang tinatamasa.


Ngunit ibahin ninyo ang isang lalaki na ito. Bitbit nito ang kanyang pag-ibig simula noong bata pa lamang sila ng kanyang kababata. Ang kanyang pagkagusto sa babae ay tumagal at umabot ng ilang taon hanggang sa kanilang paglaki. Ngunit sinusubaybayan niya lamang ang babae mula sa malayo habang sila'y tumatanda. Hanggang sa nangyari na nga ang biro sa kanila ng tadhana. Mula ng magkawalay sila noong mga bata pa lamang ito, muling naglandas ang kanilang mundo ng hindi nakikilala ang isa't-isa. Ano kaya ang rason kung bakit hindi nila mamukhaan ang bawat isa gayong sila'y magkakabata at nasabing laging pinapanood ng lalaki ang babae mula sa malayo?


Ating tuklasin ang kanilang kakaibang kwento.


The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon