CHAPTER EIGHT

281 16 0
                                    

CHAPTER 8- DOMINIC

[LUNA's POV]

Nagmadali akong umuwi kanina no'ng tumawag saakin si mommy. She told me that it's a emergency kaya naman hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Buti nalang agad niyang pinapunta dito ang driver ko bago pa siya tumawag.

"what happened?" nag-aalala kong tanong pagkapasok ko palang sa bahay. Agad na dinaluhan ako ni mommy at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Hindi ko alam kung masaya si mommy o umiiyak.

"L-luna," banggit niya sa pangalan ko at saka siya huminga ng malalim. Parang nanlalambot naman ako sa kaniyang pinapakita na emosyon.

"he's okay now. Dominic is going back to his proper breathing. Umayos na rin ang pagdaloy ng kaniyang dugo" nakangiti pero umiiyak na usal ni mommy. Napahawak naman ako sa kanya dahil tuluyan na akong naglambot.

Namalayan ko nalang na tumutulo na ang aking mga luha. Bumilis ang aking paghinga kaya naman inalalayan ako ni mommy paupo sa sofa.

Thank God!

"sshhhh. It's okay anak. Dominic is stable now so don't worry." tahan saakin ni mommy at pinunasan pa nito ang aking mga luha.

Napatango tango habang umiiyak.

"Can I see h-him?" tanong ko kay mommy.

Nag--alala naman ang mukha ni mommy at malungkot na umiling.

"sorry anak pero kasi dumalaw na kami kanina sa hospital ng tita mo. And our private doctor said no one is allowed to visit him for now." malungkot na sabi ni mommy.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sakanya habang tumutulo parin ang mga luha ko.

"sorry baby, at least he's safe now. And that is the only important." wika ni mommay at yinakap ako. Umiyak lang ulit ako sakanyang balikat.

Kasalanan ko lahat ito kaya siya nagkaganon. Kung hindi sana saakin ay wala siya ngayon sa hospital. How I wish na sana pwede pang ibalik ang nakaraan para itama ang pagkakamaling nagawa ko.

In life, there is one thing that you can't change, the regrets!

[PRIYA's POV]

Spell A-W-K-W-A-R-D?

Nakapatong ako ngayon sa ibabaw ni Theo. At gulat na gulat parin sa nangyari. Pero tokwa, ba't ayaw kumilos ng katawan ko?!

Ilang segundo na ang lumipas pero ganon parin ang aming posisyon. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Nakng! Saakin ba talaga 'yon? Kase hindi naman pwedeng sakanya dahil multo siya at imposibleng tumibok ang kaniyang puso.

Nagulat nalang ako sa kaniyang ginawa ng biglang tinaboy nito ang aking mukha at mabilisan siyang tumayo. Napasubsob pa ako kama kaya naman inis din akong tumayo at tinignan siya ng masama.

"nakakainis ka talagang multo ka!" sigaw ko. Napapadyak-padyak ako.

"teka lang" kalmado niyang sabi "ikaw na nga dumadamoves d'yan ikaw pa galit" aniya.

Aba! Talagang makapal ang mukha ng multong ito!

"hoy para sabihin ko sa 'yo hindi kita type! Oo aaminin kong gwapo ka pero hindi sapat na rason iyon para magustuhan kita!" Gigil na gigil kong sabi. Buti nalang wala pa sina mommy dahil nasa restaurant pa daw namin sila.

"anong sabi mo? Gwapo ako?" nakakaloko niyang tanong at napansin kong namumula siya.

Mas lalo ko siyang pinanlakihan ng mata.

"inamin mong gwapo ako, kaya pala..." aniya at tumango-tango pa.

"hoy! Anong sinasabi mo d'yan?!" tanong ko.

Umiling-iling siya at ngumiti ng nakakaloko habang nakahawak pa ito sa ilalim ng kanyang baba.

Anak ng multo 'to ah!

"kaya pala, ha" aniya.

"na ano?" tanong ko.

"kaya pala, binalak mo talagang magtapilok sa harapan ko para lang maka tsansing ha" aniya at tumawa ng malakas.

Nakng!

Ako? Magtsatsansing? Ng multo? Aba! Iba rin palang mag-isip ang isang 'to!

"anong sabi mo?! Hoy! Para sabihin ko ulit sa 'yo na hindi kita gusto!" sigaw ko. Tinakpan nito ang kanyang mga tenga habang tumatawa.

"Ang feelingero mo! Kung magkaka gusto lang din naman ako kay Lennox na! Hindi tulad sa 'yo na multooo! Ano ako baliw magkakagusto sa isang multo?! No way! Utot mo! Kahit ikaw pa ang pinaka gwapo sa buong mundo hinding-hindi kita papatulan dahil mult--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin kong seryoso siyang nakatingin saakin. Ang seryoso ng kaniyang mukha tae! Hindi ko alam kung matatakot ako pero parang ang lungkot ng mga mata niya. Anyare? Nasaktan ba siya sa mga sinabi ko? Tsssk! Dapat lang 'no. Masyado na kasi siyang feelingero at sumobra sa pang-aasar.

Napatahimik na din ako sa katahimikan niya. Nakng! Anong drama nito.

Nagulat nalang ako no'ng bigla siyang maglaho sa paningin ko.

Luminga-linga pa ako sa paligid baka sakaling lumipat lang siya ng pwesto. Pero tae wala na talaga siya. Pikon pala ang multo haha.

Pero napaisip rin ako. Masyado bang harsh yung mga sinabi ko? Ayy bahala na! Bahala siya sa buhay ay este patay niya!

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon