CHAPTER 27- BUWAN[THIRD PERSON's POV]
SA isang malawak na lupain na napapaligiran ng mga puno sa magkabilang gilid, ay malayang nagbibisekleta ang dalawang bata. Hindi pa ganon kasanay ang isang batang babae sa pagbibisekleta kung kaya't mapursigi itong nag-eensayo.
"Ryry! Huwag mo naman akong iwan!" Sigaw nito sa pinsan niyang lalaki. Paano ba naman kase imbis na turuan siya nito kung paano magbalanse ng tama ay mas inuunahan niya pa ito.
"Kaya mo 'yan, Priya." Patawa-tawa na sagot ng pinsan at muling pumadyak sa sakay nitong bisekleta.
Napasimangot nalang ang batang si Priya at iniisip niya ngayon na wala naman palang kwentang magturo ang pinsan nito. Tumigil muna siya sa isang tabi. Napahinga ito ng malalim at malayang inilibot ang kanyang paningin sa buong lugar.
"Ang ganda dito," namamangha niyang bulong. Sinasayaw ng hangin ang mga puno kung kaya't marami ang mga dahon na nalalaglag. Piling nito ay nasa isa siyang fantasy movie. Mahilig kasi siyang manood ng mga ganon.
Napaderetso siya ng tingin at sabay na sumimangot nang makita ang pinsan nito na tuluyan na nga siyang iniwan. Sa loob-loob niya'y sana hindi nalang siya sumama. Pero ayos lang sakanya iyon dahil nakita naman niya ang lugar na ito na ubod ng ganda. Hindi naman kalayuan ito mula sa bahay nila.
Muli siyang sumampa sa bisekleta nito. Buong tapang niyang tinatagan ang kanyang loob. Sa isip niya'y matututo din ito at mas magaling pa siya kay Ryry. Nagsimula na siyang pumadyak. Sa una'y gumewang-gewang pa ito pero kalauna'y sumilay din ang ngiti sa kanyang labi noong magawa nitong hindi matumba. Pinagpatuloy niya lang iyon hanggang sa makuha nito ang tamang pambalanse.
"O, marunong kana pala e." Wika sakanya ni Ryry na halatang kanina pa naghihintay sa isang tabi ng puno. Payak siyang nakaupo doon at kagat labing nakatingin ngayon kay Priya.
"Oo, salamat sayo." Masayang sabi sakanya ni Priya kahit wala naman talaga itong ipagpasalamat. Ang sarili niya lamang kase ang dapat na pasalamatan nito dahil siya lang ang gumawa ng lahat para matuto.
Lingid sa kanilang kaalaman ay may isang batang lalaki din ang nagbibisikleta sa lugar kung nasa'n sila ngayon.
"Tignan moko," pagmamayabang ni Priya. Nais nitong ipakita sa pinsan na marunong na talaga ito.
"Sige nga," hamon naman ng isa.
Mabilis na tumango-tango si Priya habang nakangiti at labas pa ang bungal nitong mga ngipin. Inayos muna niya ang kanyang pagkaka-upo bago siya magsimulang magpidal. Tuwang-tuwa naman siya dahil muli na naman niya itong nagawa.
"Priya, dahan-dahan mabato d'yan!" Sigaw ng pinsan nitong si Ry.
Nagtaka naman si Priya at huli na nung mapagtanto niya ang sinabi ng kanyang pinsan. Puro mga bato kasi ang nadadaanan niya ngayon. Bigla siyang kinabahan dahil ayaw tumigil ng bisekleta. Parang nasira ang preno nito at takot naman niyang ibaba ang mga paa nito upang sapilitan sana siyang tumigil sa pagtakbo.
"Waahhhh Ryry tulonggggggg!" Sigaw niya. Tila napatulala naman si Ryry sa kanyang kinauupuan habang kagat pa nito ang kanyang labi. Hindi rin nito mawari kung ano ang dapat niyang gawin. Biglang hinangin ng malakas ang kanyang bagsak na buhok. Napatingin siya sa isang batang lalaki na dumaan sa harapan nito. Naka bisekleta din iyon at mabilis itong pumapadyak patungo sa kinaroroonan ni Priya.
"Wahhhhhhhhhh! Sigaw ni Priya nung malapit na itong matumba. Pero laking gulat nito nung may isang batang lalaki ang biglang tumalon ng mataas papunta sa gawi niya. Ginamit ng batang iyon ang dalawang niyang kamay upang ipagsangga sa papatumba na bisekleta.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...