CHAPTER TWENTY FOUR

153 10 0
                                    

CHAPTER 24- FLASHBACK

[LENNOX's POV]

BAGO ako bumaba ng aking sasakyan, muli kong naisip ang mga sinabi sakin ni Priya kanina. Well, hindi ko naman siya masisisi. Masyado talaga akong naging mabilis. Pero hindi lang basta doon magtatapos iyon. I'll make sure na mapapayag ko rin siya sa susunod.

As I open the door, sumalubong sakin ang isang babae. Tinignan ko lang siya ng blanko at linagpasan. Dinig ko naman na sumunod ito sa akin.

"Anak, please talk to me." sabi niya. Napatigil naman ako at saka napasinghal? Anak?!

"Please. Sorry na kung hindi namin agad nasabi sayo. Give us a second chance." sinsero niyang saad. Napayuko ako at muling inalala ang gabing iyon.

Humarap ako sakanya, "Anak? Pagkatapos lahat ng ginawa ninyo ni Dad sakin may gana pa kayong itawag sakin 'yan!" medyo pasigaw kong saad. Hindi ko parin matanggap hanggang ngayon na matagal nila akong niloko.

"Kung alam mo lang na sobrang nagsisisi ako, kami. Patawad kung matagal naming itinago sayo." umiiyak na ngayong usal niya.

"Kaya naman pala gano'n mo na lang akong kamuihan no'ng araw na maaksidente si kuya, dahil ampon niyo lang ako." hindi ko maiwasan ang pait sa tono ko. Im still hurting. Walang kasingsakit.

"H-hindi sa ganon, m-maniwala ka." pangsusumamo niya. Hinawakan niya ako sa kamay pero mabilis ko ring tinabing ito.

"Maniwala?" namamangha kong sagot. "Ako ba pinawalaan n'yo nung gabing maaksidente si kuya? You don't believed me na wala akong kasalanan sa nangyari! Na hindi korin kagustuhan iyon!" sigaw ko. Pakiramdam ko uminit ang sulok ng aking mga mata.

"Sorry... Wala na 'kong ibang sasabihin sayo kundi sorry..." she's crying so hard. Ang sakit sa dibdib. Unti-unti naring tumulo ang mga luha ko.

Huminga ako ng malalim at aktong tatalikuran ko na sana siya pero hinigit ako nito sa aking kamay at nabigla ako sa sunod niyang ginawa nang lumuhod ito.

"A-anak, please forgive your mom," pagmamaka-awa niya. "Please let's bring back all the good times na masaya pa tayong lahat. Miss ko na yung aking bunso." pilit itong nagmakaawa sakin. Iniwas ko naman ang aking tingin sakanya dahil nasasaktan ako sa mga pinapakita niya. Malayo, malayo ng bumalik ang dating tayo mommy.

Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak. Sa sobrang sakit ay napahikbi narin ako. Parang dinudurog ngayon ang puso ko. Some memories came back, noong masaya pa kami at buo. Noong paano kami masayang sabay-sabay na kumakain magpamilya. Kung paano niya ako binabasahan ng mga libro para lang makatulog ako nung bata ako. At kung paano niya kami tinuturuan sa magandang asal ni kuya.

Lumuhod ako sa harapan niya at pinantayan siya.

"Don't do this," pilit ko siyang pinapatayo pero umiling-iling lang siya habang umiiyak parin.

"N-no until you don't accept my sorry." sagot niya.

Tinitigan ko siya ng detresto sa mata. Patuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. I examined her whole face, ito yung babaeng una kong hinangaan. Pinangako ko sa sarili ko na someday gusto ko maging katulad niya ang mapapangasawa ko. But everything has changed when my older brother got accident. Ako ang sinisi nila sa nangyari. Nag-iba ang trato nila sa akin. At talagang nasaktan ako dahil do'n.

"M-mom," nahihirapan kong tawag.

Tumingin naman siya sa akin na puno ng pag-asa.

"G-give me some more time to think, please," pakiusap ko.

Napatulala naman siya sakin at umiiyak na tumango-tango. Tumayo na ako at mabilis siyang tinalikuran dahil hindi ko siya kayang tignan sa ganoong sitwasyon. I went to my room at napaupo nalang sa likod ng aking pintuan.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon