CHAPTER 15- RUDE COMMENTS[LUNA's POV]
NATAPOS na lahat ang mga subjects namin ngayong umaga. Naglalakad kami ngayon ni Aye patungong cafeteria para mag lunch.
"tingin mo Luna magiging kami ni Lennox?" maya maya pang kinikilig na tanong ni Aye saakin. Napatingin naman ako sakaniya at hanggang ngayon hawak hawak parin nito ang bulaklak.
"Aye pwede mo namang iwan sa locker natin 'yan e" patungkol ko sa dinadala niya. Napaang naman ito at medyo inilayo ang hawak niyang bulaklak.
"ha? Ito ba? No way Luna. Baka mamaya kunin 'to ng mga inggetera no!" usal niya at nag flip hair. Nagpilit nalang ako ng ngiti sakanya.
Noong makarating sa cafeteria ay agad kaming pumila at umorder. Pagkatapos umupo na kami sa lagi naming pinu-pwestuhan.
"nga pala Luna, may galit kaba kay Lennox? I-i mean iba kasi yung palitan n'yo ng tinginan kanina e" medyo nahihiyang tanong saakin ni Aye. Inaasahan ko ng magtatanong ito
Ngumiti ako sakaniya at ngumuso.
"e paano naman kasi nanliligaw na ata sayo 'yon pero hindi ka man lang nagpa-alam saakin" kunwari ko nalang nagtatampong sabi.
Na shock naman siya at agarang umusog palapit saakin.
"ano kaba Luna! Hindi nanliligaw saakin si Lennox!" nabibigla nitong wika at marahan pa akong hinampas sa braso.
"hindi palang," sagot ko at humarap nalang ako sa aking pagkain.
"ikaw ha Luna, nagtatampo ka yata e" sabi pa niya.
"hindi 'no" sagot ko.
"wehh?"
"oo nga ba't naman ako magtatampo" medyo malungkot ko na tanong.
"haha. Huwag kang mangamba Luna, ligawan man ako ni Lennox my babe, makaka asa kang mas marami parin akong time para sa 'yo" sinserong wika ni Aye. Napatingin naman ako sakanya ng diretso.
"talaga?" tanong ko.
"Oo ano kaba! Malakas ka sa aking bruha ke e haha" tumatawa niyang sagot.
Ngumiti nalang din ako sakanya at saka nakami kumain.
Pero hindi ko parin maiwasan talaga ang mag-isip.
Bakit sa daming babae na pwedeng magustuhan ni Lennox ay kay Priya pa siya nagka gusto?
Alam niya bang best friend ko si Priya?
Kung oo, bakit niya 'to ginagawa?
Kung alam naman niyang pwede kaming magkita nito araw-araw. Ang gulo! Kaya naman ganon nalang ang reaksyon ko kanina. Paano kung ginagamit niya lang si Priya para sa kaniyang pansariling interes? Aiisshhhhhhhh! Hindi maaari 'to!
Hindi ko hahayaang saktan niya ang bestfried ko! Kailangang makausap ko siya sa lalong madaling panahon.
[PRIYA's POV]
"Goodbye Aye! See you bukas" nakangiting paalam saakin ni Luna bago tuluyang umalis ang sinasakyan nitong kotse.
Kakatapos lang ng buong klase namin. 'andito ako ngayon sa may waiting shed sa may gilid lamang ng aming school.
Muli kong naalala yung mga sinabi ni Luna kanina. Malungkot akong napatungo sa aking mga sapatos. Alam ko kung nagsi-sinungaling si Luna o hinde. At base sa mga nakita ko kanina sakaniya, mukhang hindi lang iyon ang dahilan niya kung bakit parang ayaw nito kay Lennox.
Maya-maya pa bigla akong napaangat ng tingin noong may bumusina sa harapan ko.
Akala ko si Jude ngunit si Lennox lang pala.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...