CHAPTER TEN

213 10 0
                                    

CHAPTER 10- DESTINY

[PRIYA's POV]

LUMIPAS ang dalawang araw ng hindi nagpapakita saakin si Theo. Ini-isip ko ngayon na masyado siguro akong naging harsh sa kaniya pagdating sa aking pananalita.

Kagabi hinihintay ko siyang dalawin ako. Ewan ko ba kung bakit. Parang nakonsensya nga talaga ako sa mga sinabi ko sakanya. Nakng multo na 'yan!

Kaya naman hindi ko makuhang maging masaya kahapon kahit na nagkatagpo ulit kami ni Lennox. Nagsalubong kami kahapon sa cafeteria. Napatigil ako sa aking paglalakad at tinignan siya. Ngumiti ito saakin pero ang ginawa ko ay nakayuko ko lang siyang linagpasan.

Kaya naman ngayon ay sobra-sobra ang pagsisisi ko kung bakit ko ginawa sakanya iyon. Arghhh! Hype na multo kasi na 'to, nangongonsensya!

"hoyyy! Tulala kananaman d'yan!" sita saakin ni Luna. Kasalukuyan kaming nasa tambayan namin ngayon dito sa school.

Busangot akong tumingin sakanya.

"anong klaseng itsura 'yan?" nakangiwi niyang tanong at tumingin sa kaniyang bitbit na compact mirror.

Sasabihin ko ba kay Luna yung about kay Theo?

Kaso kase baka pagtawanan niya lang ako e. Baka isipin pa niyang nababaliw ako.

"Uhmm Luna?" tawag ko sakanya.

Tumingin naman ito saakin habang pinagki-kiskis ang mga labi niya na may lipstick.

"Hmmmmm." tugon niya.

"Uhmmm n-naniniwala kaba s-sa..." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil nag-a-alinlangan ako.

"sa?" kunot noo niyang tanong.

"s-sa d-destiny" sabi ko nalang.

Medyo nagulat naman ito saaking tanong.

"ba't mo naman natanong 'yan?" tanong niya. "ikaw ha! Sino ba 'yang nagugustuhan mo? No'ng isang araw kapa nagtatanong sa mga ganyan ha" natatawa niyang sabi. Pinalo pa ako nito sa aking balikat.

"w-wala. Curious lang ako" pagdadahilan ko at umiwas ng tingin.

"wushuuuuu," panunukso niya at kinurot niya ako sa aking tagiliran.

"ikaw ha! Aminin mo na! May nagugustuhan ka ngayon 'no?" tumatawa niyang sabi. "'yan ba yung sinasabi mo sa aking secret crush mo? Yung matagal mo ng gusto?" panunukso pa nito.

Sa totoo n'yan hindi alam ni Luna kung sino yung sinasabi niyang secret crush ko. Sabi ko kasi sakanya dati na hinding-hindi ko sasabihin sakanya hanggat hindi rin nito sinasabi yung taong nagugustohan niya.

"sino ba kasi iyon ha? Dali na bes sabihin mo na kase" bigla niyang pangungulit saakin.

"tse! Hanggat hindi mo sinasabi saakin kung sino yung nagugustuhan mo hindi ko rin sasabihin yung saakin" sabi ko. Natahimik naman siya at nakita ko siyang napabuntong hininga.

Maya-maya pa

"okay. I will answer your question" biglang seryoso niyang usal.

Napatingin naman ako rito. Tae! Ba't ang seryoso bigla masyado ng mukha niya?

"B-before I've been inlove, I do believe in destiny." nakayuko nitong sabi.

"Ewan ko, siguro dahil mahilig akong manood noong bata ako ng mga may kinalaman sa fairy tales na palabas, kaya ayun masyado akong nagpaniwala haha." sabi niya. Hindi siya saakin nakatingin. Tulala ito at mapait itong nakangiti na para bang may ina-alala.

"Aye, ngayon ko lang sasabihin sayo 'to at pasensya na rin kase ngayon kolang din ito mababanggit." seryosong usal ni Luna.

Nakng! Hindi yata ako ready sa pagd-drama ngayon ni Luna. Gaaddd! Hindi ako sanay.

Napansin kong may nangingilid na luha sa mga mata nito.

"two years ago I was in a relationship" yumuko ito at pinunasan ang kanyang luha. "we are totally happy back then, masaya ako kapagka kasama ko siya. Masaya kami sa piling ng isat-isa. Kaya nga umabot din kami ng isang taon e, sa isip ko no'n siya na siguro yung destiny ko haha" saad niya at kunwaring natawa. Pero makikita mo sa mga mata ni Luna na sobrang lungkot niya. Hindi parin ako makapaniwala na naririnig ko sakanya 'to.

"until one day, there's something bad that will going to happened" nahihirapan niyang usal. Parang naninikip na din ang dibdib ko dahil sa nakikita kong nasasaktan parin si Luna hanggang ngayon.

"H-hindi ko talaga alam Aye na mangyayari iyon. H-hindi ko alam na dahil saakin aabot sa ganito ang lahat." hindi na napigilan ni Luna ang umiyak. Nag-alala naman ako para sakanya kaya naman mabilis ko siyang linapitan at yinakap.

"s-sorry Luna. Dahil saakin napilitan kang mag-open" nagw-worry kong sabi. Nakng! Sana pala hindi na 'ko nagtanong kanina huhu.

"A-aye," sambit niya sa pangalan ko habang umiiyak. "I-i love h-him so much. I-i want him back, I need h-him so bad " mas lalo kong yinakap si Luna at pilit siyang pinakalma.

"shhhhhh. Its okay Luna. Isipin mo nalang na siguro kung para kayo talaga sa isa't-isa, magbabalikan at muli rin kayong magkikita." sabi ko sakanya.

Sa totoo lang wala akong alam na sasabihin sakanya. Tae kasi na 'yan. Wala naman kasing akong experience sa mga ganyan ganyan e.

Hindi man detalyado kung anong nangyari sakanila nung lalaki na sinasabi niya. Kitang-kita ko naman kay Luna na sobrang nasasaktan siya sa nangyari. Kaya naman pinatigil ko na siya sa pagsasalita at minabuti kong huwag ng alamin ang buong istorya.

Hinayaan ko lang siyang umiyak sa aking balikat.

Ng mahimasmasan na siya. Tumingin ito saakin at tipid na ngumiti. Pinisil nito ang dalawa kong mga pisngi at sinabing "Itssss yourrrr turrnnnnn pooooooo" usal niya sa mahabang tono. Nakng!

Kumunot ang noo ko at mabilis na tinanggal ang mga kamay niyang nasa mukha ko.

"oopsss bawal tumanggi. Pinaiyak mo 'ko kaya naman sabihin mo na saakin kung sino 'yang crush mo hihi" nanunukso na niyang sabi. Tae naman o.

Hmmm. Umiyak narin lang naman siya at nag-kwento about sa life niya, pagkakataon narin siguro namin ito upang mag level up ang pagka-kaibigan namin. Tae kasi! Kami lang yung mag bestfriend na masikreto sa isat-isa. Sabagay, 2 years palang kasi kaming magka-kilala ni Luna. Tranferee siya before at ako yung una niyang kinausap. Kaya naman, naging close kami up to now. Tae dami kong sinabi e no!

Huminga muna ako ng malalim saka nag straight body. Tumingin ako sakanya ng diretso at saka kami naghawak kamay. Feeling coronation night lang ang peg.

At sinabi ko na nga sakanya ang matagal ko ng crush.

"Lennox Signh-Smith" nakangiting usal ko.

Nakangiti siya kanina pero biglang naglaho iyon. Anyare?

"bakit?" tanong ko.

"S-siya ba yung sinasabi mong crush na matagal na?" nauutal na tanong ni Luna.

"Oo b-bakit?" nag-aalala kong tanong.

Matagal siyang hindi nakasagot. Bakit? Anong problema niya kay Lennox? Ayaw niya ba do'n o ganon na ba ako kapangit para hindi siya matuwa na sinabi kong crush ko si Lennox? Nakng!

Maya-maya pa.

"Its a prank!" sigaw niya at saka tumawa ng malakas.

Nagulat naman ako. Tae talaga 'tong si Luna.

"hahahaha gaga ka talaga! Akala ko ayaw mo siya for me" nag-iinarte at tumatawa ko pang saad.

"hahaha. Tara pasok na tayo?" biglang aya niya.

Nagulat naman ako.

Tae 'to hindi man lang namin pinag-usapan si Lennox my baby ko. Akala ko naman kukulitin niya pa ako.

Tumayo na kaming pareho at naglakad papuntang room. Magkahawak kamay kami nito at kumembot-kembot habang naglalakad. Pero napansin kong parang may mali kay Luna, Aissshh! Nag i-imagine lang siguro ako.

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon