THE FINAL CHAPTER.
PRIYA'S POV
Makikita sa ere ang mga nagliliparang itim na toga. Sinakop din ng halakhakan ang buong paligid. Bawat mata'y makikitaan mo ng saya. May mga walang sawang kumukuha ng letrato, pirma sa damit, at pagpapalitan ng salita sa bawat isa ng congratulations.
"Priyaaaa!!!!!" Napalingon ako sa aking likuran at sinalubong ng yakap si Elvis.
"Girl, Congratulations to the both of us!" Masaya niyang usal at nagtalon-talon naman kami sa sobrang tuwa.
"I hope this is not the last day we will meet." Lumamlam ang mga mata niya nang humiwalay ito sa akin.
Napangiti nalang ako sakanya ng malungkot. Ito ang araw ng aming graduation at ito rin ang araw ng balik ko sa pilipinas.
"Yes, of course. We will meet again when we are successful in our lives." Tugon ko at muli kaming ngumiti sa isat-isa.
Maya-maya pa biglang napako ang tingin ni Elvis sa taong papalapit sa amin. It was Gray.
Napangiti ako ng pasimple.
"Go Elvis. This is the right time for you to tell him." Wika ko sakanya at tumingin naman siya sa akin ng nag-aalala.
"But what if... he decline my proposal?"
Umiling ako. Elvis and Gray are boyfriends. Nagsimulang manligaw itong si Elvis kay Gray noong third year college kami. Kaya naman, ngayong naka graduate na kami sa kursong BSHRM, balak niya sanang mag propose ng kasal. Pero hindi pa sila ikakasal kung sakali mang pumayag si Gray. Kumbaga, mag fiance muna sila just for the mean time.
"Go ahead, I think Gray will not do that. He loves you." Giit ko at tumango ito saka nagbigay ng ngiti mula sa akin
Binati kaming parehas ni Gray pagkalapit nito sa amin. Pasimple ko namang tinignan si Elvis at ang bakla parang umurong ang dila nito. Kaya naman, lumapit ako sakanya at kinurot ito sa kanyang tagiliran.
"O-ouch."
"What's happened?" Tanong ni Gray.
Tumingin naman sa akin si Elvis at pinaglakihan ako ng mga mata. Itinuro naman ng aking nguso si Gray na puno ng pagtataka.
"Is there anything wrong?" Muli nitong tanong kaya naman ako na ang humarap sakanya.
"Uhmm, actually, Elvis wants to tell you something."
Napatingin naman ako sa bakla nung hampasin nito ang balikat ko.
"What?" I mouthed.
"What is that baby?" Tanong sakanya ni Gray at ang bakla namula ng todo ang kanyang mukha.
Napailing nalang ako at napatawa. Ang ga-gwapong nilalang ng mga 'to pero bet nila ang isat-isa. Well, hindi naman sa hindi ako sang-ayon. Masaya nga ako para sa kanila e. Buti pa sila nahanap na nila ang kasiyahan mula sa isat-isa.
Narinig ko munang umubo si Elvis bago inilabas sa kanyang bulsa ang isang maliit na box na sa tingin ko'y mga singsing.
"G-gray, We've been together since third year college. I love you so much more than you love me. I don't know if I can meet anyone else if it's not just you. Gray, will you be my partner forever?" Salita ni bakla at nagtitigan sila ni Gray ng matagal. Dapakk! Mapapa sana all ka nalang talaga.
"Yes of course. I do."
Wala na! Sila na lang ang masaya! Huhuness! I'm so happy for them!
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...