CHAPTER FOUR

372 19 0
                                    

CHAPTER 4- TOUCH


[PRIYA's POV]


BINAGSAK ko ng malakas ang pintuan nung makapasok ako sa aking kwarto.

"hoy! Wala ka bang balak na tantanan ako!?" galit kong sigaw dito sa multo.

"Aray naman Priya! Kung pinapaalis mo 'ko parang hindi kanaman nagwapuhan saakin ah!" galit-galitan na sabi ng tukmol!

At dahil dun sa sinabi niya sinuntok ko siya sa braso pero tae multo nga pala 'to kaya naman lumusot lang ang kamay ko sakanya.

"oooppss" nagbi-bwiset niyang sabi at mabilis siyang lumipad papunta sa tapat ng aking veranda.

Naiinis na talaga ako!

Simula kaninang pagpasok ko hanggang pauwi ang kulit niya. Parang nagmumukha pa akong baliw kanina sa harap ni Luna. Argh!

"aalis pa ba ako kung alam kong hindi kana takot saakin hehe" sabi niya.

Tinignan ko lang siya ng masama.

"huwag mo naman akong tignan ng ganyan Priya, parang sa mukha mo gusto mo na 'kong kainin e" biro pa niya.

"umalis ka na bwisit ka!!!" sigaw ko.

"pero sige, kung gusto mo, handa naman akong magpakain hahaha. Rawrr!"


At talagang bumabanat pa ang letse!


Aktong susugurin ko na sana siya ng biglang kumatok si mommy.


"Priya? Sinong kausap mo d'yan ha?" tanong ni mommy sa labas. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya naman nilapitan ko si Multo.

"m-magtago ka dali!" taranta kong sabi kay multo. Kinuha ko ang kumot at balak kong takluban siya no'n. Shet! Baka anong sabihin saakin ni mommy na nag-uuwi ako ng lalaki dito sa kwarto ko sheyt!

"Priyaaa?" katok pa ni mommy.

"P-po? Wait lang poo" kinakabahan kong sagot.

Tinignan ko muli si multo at parang natatawa pa ang loko!

"ano pang tinatanga mo d'yan!? Magtago kana!" mahina kong sigaw rito saka ko siya pinanlakihan ng mata.

"hahahahaha! Naka drugs kaba Priya?" tumatawa niyang sabi saakin.

Inis ko naman siyang tinignan.

"easy! Hindi ko naman kailangang magtago dahil ikaw lang naman ang nakakakita at nakakarinig saakin, so don't worry"

Paliwanag niya.

Anak ng Pasig naman pala oh!

Nakalimutan ko 'yun ah! Bwisit kasi 'tong lalaking ito! Dahil sa kagwapuhan niya piling ko tuloy totoo siyang tao! Yawa!

Tumawa lang siya at nginu-nguso niya ang pintuan ko.

"mommy mo kanina pa naghihintay" saad niya.

Inis ko siyang tinalikuran at pinagbuksan ng pinto si mommy.

"mommy?" nakangiting bungad ko.

"may kasama ka ba d'yan sa loob anak?" nagtatakang tanong nito.

"ah w-wala po akong kasama mommy. Bakit niyo po natanong?" napipilitan kong ngiti at ninenerbyos na tanong .

"para kasing naririnig kitang may kausap kanina e"

Ano bang sasabihin ko?

"practice kamo" dinig kong usal ni multo. Muntik pa akong mapatalon sa gulat. Tae talaga 'to!

-P-practice kamo, ayy este nagp-practice po ako para sa aming r-role play, oo, tama hehe" Nakng! Napagaya pa ako sa multong ito! Dinig ko naman siyang tumatawa sa loob.

"ganon ba?" tanong ni mommy at nagpalinga-linga pa ito ng tingin sa loob ng kwarto ko.

"okay sige. Saka nga pala anak, na blessed na pala ang bahay kanina." sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"eh ano pang ginagawa nito dito!!?" gulat kong tanong pero ng mapagtanto ang sinabi ko, bigla akong napahawak sa aking bibig. Nakng!

"sino?" takang tanong ni mommy.

"HAHAHAHAHAHA EPIC ULIT PRIYAAA HAHAHAHAHA"

hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman naghanap ako ng mada-dahilan.

Nagpalinga-linga ako sa paligid.

Bahala na!

Yumuko ako at saka may itinuro.

"I-ito po m-mommy hehe" turo ko.

Napatingin naman siya sa tinuturo ko. "Ha? Saan? Sino?" nagtataka niyang tanong.

"ito po oh, yung langgam hehe" siguro para akong baliw ngayon sa itsura ko. Kasalanan 'to ng multo nato huhu.

"N-napano ang langgam anak?" nag-aalalang tanong saakin ni mommy.

"nakagat po kasi ako ngayon lang hehe" 'di ko sure na paliwanag.

"ahhh. O-okay." sabi nalang ni mommy. Pero yung mukha niya parang 'nababaliw_na_yata_ang_anak_ko_look'

Nagpaalam na si mommy at magluluto pa raw siya. Nakahinga naman ako ng maluwang!

Pagkapasok ko sa aking kwarto agad kong sinugod ang multo!

Pinaghahampas ko siya sa kanyang braso!

"a-aray naman! Hala siya! T-tama na! Ouch!" pinagsangga niya pa ang dalawa niyang kamay para gawing proteksyon.

Pero....

Halos maglaki ang mga mata naming dalawa nung may napagtanto kami.

Anakng!

Bakit ko na siya nahahawakan?

Waaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon