CHAPTER TWENTY FIVE

180 12 3
                                    

CHAPTER 25- OBSESSION

[PRIYA's POV]

TITIGIL at muling maglalakad. Aabante at liliko pakaliwa't pakanan. Napapatingin na nga sakin ang mga iilang estudyante e. Iniisip siguro nila na baliw na 'ko.

Paano ba naman kase, itong si Theo dalawang araw na 'kong hindi linulubayan. Hindi na siya umalis sa tabi ko pwera nalang kapag maliligo at nagbibihis ako. Lagi niya akong binabantayan. Ganyan pala manligaw ang kumag!

Pumunta ako sa lugar kung saan walang masyadong tao at seryosong humarap sa multo.

"Theo! Wala kabang balak na tantanan muna ako?" tanong ko sakanya. Nakanguso naman siyang lumapit saakin at mariin na umiling.

"Wala. Dito lang ako sa tabi mo." aniya. Napahinga naman ako ng malalim dahil sa sagot niya.

"Bakit?"

"Uhmm, bastat. Alam mo na 'yon." sagot niya.

"Alam kong liniligawan mo na ako, pero hindi naman ganito 'yon e." paliwanag ko. Sa loob kasi ng dalawang araw parang naging obsessed ito sakin.

Muli kong naalala yung mga ginawa niya kahapon...

*Flashback*

Naglalakad kami ni Luna papuntang Cafeteria nung may biglang lalaking sumulpot sa harapan namin at nagtanong.

"P-priya, pwede ko bang kuhanin ang number mo?" nagulat ako sa tanong niya. Sa totoo lang, simula nung kinantahan ako ni Lennox ay naging matunog na talaga ang pangalan ko dito sa loob ng buong campus. Lalo na't nalaman nilang hindi ko binigyan ng chance si Lennox na manligaw ito saakin. Hindi ko alam kung bakit nila iyon nalaman bagkus nag-usap naman kami nito sa pribadong lugar.

"Huh? B-bakit?" tanong ko do'n sa lalaki. Hindi siya kagwapuhan at mukhang mahiyain ito. Halos matakpan na nga ang kanang mata nito dahil sa bangs niya, may suot pa itong round eye glasses. For short, isa siyang Nerd.

"Gusto lang kita maging f-friends." nauutal niyang sagot. Inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa niya. Pero nabigla nalang ako nung biglang lumipad ito at pabagsak itong nahulog sa sementadong sahig.

Gulat akong tumingin kay Theo na siyang may gawa no'n. Salubong ang mga kilay nito na nakatingin doon sa lalaki.

"Ay nasira, a-ayaw ng gumana." gusto kong maawa sa lalaki dahil mukhang maiiyak na siya. Napatakip naman ng bibig si Luna dahil sa nangyari. Magsasalita sana ako para pakalmahin ang lalaki pero mabilis itong tumakbo palayo habang ngumangawa.

Tinignan ko naman ng masama si Theo. Taas noo lang itong nakatingin saakin at tinaas baba pa niya ang mga kilay. Pinalagpas ko nalang siya sa kanyang ginawa at nagpatuloy nalang kami ni Luna na maglakad papuntang Cefeteria.

Hapon, naglalakad ako palabas ng gate. Nauna ng umuwi sakin si Luna at nagp-practice naman sina Lennox sa bago nilang tayo na banda. Narinig kasi sila nang music teacher noong kinantahan nila ako, kaya naman hinikayat sila nito na bumuo ng sariling grupo na banda.

Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang class president namin. Ngumiti ito saakin ay gayon rin ako sakanya.

"Nga pala Priya, may balak kanaba kung sa'n university ka mag-aaral?" tanong nito. Napaisip naman ako, sa totoo lang wala pa talaga. Huling taon na kasi namin ito sa senior high at magc-college na kami.

Mahina siyang tumawa nung hindi ako sumagot.

"I guess hindi kapa nakapag decide." aniya. Nahihiya naman akong tumango rito.

"Ayos lang iyon hehe. Uhmm...would you mind kung ayain kitang kumain ngayon?" mayamaya'y tanong niya.

"Huh?"

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon