CHAPTER 21- PAALAM
[THEO's POV]
Tulala akong nag-iisip ngayon sa ilalim ng buwan. Parang uulan pa yata dahil natakpan ng mga ulap ang buwan at malakas pang kumulog.
Napangiti ako ng mapait.
Kanina, kung ano ang ikinasaya ko, kabaliktaran naman ang ngayon. Namalayan ko nalang na may pumatak na luha sa mga mata ko.
Malabo nga siguro akong magustuhan ni Priya. Siguro, ito na yung huling magpapakita ako sa kanya. Tanggap ko narin ang mangyayari sa akin. Taos puso ko itong tatanggapin, ang maglaho nalang sa kawalan.
Ang bilis lang ng mga pangyayari. Hindi ko lubos maisip na sa sandaling magkasama kami ni Priya ay minahal ko na agad siya.
Tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan. Pero hindi ko alintana ito dahil nanatili lang ako sa aking pwesto.
Hindi ko alam kung tubig ulan ba o luha ang dumadaloy sa mukha ko ngayon. Napahiga nalang ako sa damuhan at mapait na pinagmasdan ang kalangitan.
'Natalo ako sa sarili kong laro.'
"Minahal kita ng totoo P-priya, paalam," usal ko sa kawalan.
Napapikit ako at dinama ang malakas na ulan. Umaasa akong, tulad nitong ulan, maranasan ko naman sana ang kapayapaan sa susunod kong buhay pagkatapos ng delubyong pinaranas nito.
"Suko na ako,"
[PRIYA's POV]
Mahigit isang linggo narin simula nung huli kong makita si Theo. Isang linggo narin ang lumipas pero hindi parin nagigising si Lennox.
Inaamin kong nahihirapan na rin ako ngayon. Ang bilis lang ng mga pangyayari. Parang sa isang iglap nagulo ang lahat. Ilang araw ko palang nakikilala sina Theo at Lennox pero ganito na agad ang nangyari, sobrang bilis lang.
Hanggang ngayon hindi ko parin kinakausap si Luna pati na rin ang mga kaibigan ni Lennox. Tanging nagpapangiti nalang sa akin ngayon ay si Ryry.
Muli akong pumunta sa aming veranda. Ganito ang lagi kong ginagawa nitong mga nakaraang araw. Umaasa, na sana biglang magpapakita sa'kin dito si Theo. Pero lagi akong nabibigo.
Hindi ko alam kung nakokonsensya lang ba ako sakaniya o may iba pang dahilan.
Masyado ba siyang nasaktan sa mga sinabi ko?
Malungkot akong pumasok ulit sa loob ng aking kwarto at umupo sa gilid kama. Pati ako naguguhan narin sa aking sarili. Posible ba akong magkagusto sa isang multo? Paano kung naguguluhan at nalilito lang ako dahil kay Theo?
Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon. Parang mababaliw na ako. Maya-maya pa bigla akong tinawag ni Ryry mula sa labas ng aking kwarto.
"Bakit, Rye?" matamlay na tanong ko pagkabukas ng pinto.
Nagtakaka naman siyang pinasadahan ako ng tingin.
"Ba't ganyan na naman itsura mo?" curious nitong tanong. Ngumiti naman ako ng pilit sakanya at umiwas ng tingin.
"H-huh? Wala 'to ano bang kailangan mo?"
Tumingin pa muna siya sa akin na parang nagdududa habang naka kagat pa ito sa kaniyang labi.
"Papasok na ako bukas, samahan mokong bumili ng mga gamit ko," aniya. Tumango naman ako sakanya at sinabing magbibihis lang ako.
Nga pala, dito na kasi siya mag-aaral sa school na pinapasukan ko. Noong una ayaw siyang payagan ni tita, pero pinaki-usapan ito ni daddy kaya naman pumayag na din ang mommy niya. Total sakit lang daw siya ng ulo ng mommy niya doon.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...