CHAPTER 28- PANGUNGULILA
[PRIYA's POV]
MEDYO late na akong nagising. Late narin kasi akong nakatulog kagabi. Sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay parang bumabalik sa akin ang mga nangyari kahapon. May mga alaala na bigla nalang nanumbalik noong bata palang ako. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Lennox at Luna ay may kaugnayan kay Theo-Dominic. Si Lennox ay kapatid niya, at si Luna naman ay... kasintahan niya. Hindi ko maiwasang masaktan sa isipang iyon.
"Priya, umuwi ka raw ng basa kagabi sabi ni Ry?" Tinignan ko naman si Ry na kasulukuyang kumakain. Tumingin siya sakin ng nakangisi. Hype na 'to! Isumbong ba naman ako.
"Opo mommy, inabutan po kasi ako ng ulan sa labas ng gate." Palusot kong paliwanag. Nag react naman ang kumag
"Wehhhh? Sino yung naghatid sa 'yo? Hindi naman siguro si pareng Jude 'yon kase maaga siyang umuwi dito." Nanunuyang sabi niya at pagkatapos kumagat pa ito sa kanyang labi gaya ng lagi niyang ginagawa. Tae talaga 'to!
Tinignan ko naman si mommy at kulutong ang mga kilay niya ngayon na nakatingin sa akin.
"K-kaklase ko po iyon. Nagp-practice po kasi kami ngayon sa darating na school festival kaya siya yung naghatid sakin kahapon." Sagot ko. Sumingkit naman ang mga mata niya sakin.
"Opo tita. Balita ko sasali si Aye sa Mutya ng Gabi." Masayang anunsyo ni Ryry. Tila nagulat at hindi makapaniwala ang mukha ni mommy.
"Oh my goddd! Is that true anak?" Masaya niyang tanong.
Napakagat naman ako sa aking labi at marahan na tumango.
"Omggg! Dalaga ka na nga anak. God! Kailangan natin 'tong paghandaan." Wika niya pa at hindi na siya ngayon mapalagay.
Well, mabuti na sigurong nalaman niya ngayon. At least naliwas ang kanyang atensyon. Balak ko naman talagang sabihin sakanila ni daddy tungkol sa pagsali ko rito. Kaso lang inunahan na 'ko ng pinsan kong baliw.
"Hello Daryl? Kamusta kana? May sasabihin nga pala ako sayo. You need to be here right now. Kailangan mong i train ang inaanak mo blah blah blah..." Dinig kong usal mommy sa kabilang linya.
Ninong ko sa kumpil si Tita Daryl. He's beki at matagal na silang magkaibigan ni mommy. Kung ano-ano pa ang narinig kong pinag-usapan nila. Si Tita Daryl daw ang mag-aayos sa akin sa Mutya ng Gabi. Tuturuan niya rin daw ako kung paano maglakad ng tama at kung ano-ano pa.
Hindi ko nalang sila masyadong pinansin pa at nagtungo nalang ako sa aming ref upang kumuha ng maiinom. Ang sakit ng ulo ko ngayon. Piling ko binibiyak ito sa gitna.
"Ikaw ha." Makahulugang usal sakin ni Ryry nung umupo ako sa tabi niya. Nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Music room, live video." Muntik ko ng maibuga sakanya ang iniinom ko. Tae talaga 'to!
Mabilis naman akong umusog palapit sakanya.
"Shhhh. Huwag ka ngang maingay d'yan. At saka isa pa mali ka ng iniisip no! Aksidente lang ang lahat." Mahina kong sabi sakanya. Mukhang hindi naman siya naniwala sa palusot ko dahil patawa-tawa lang siya. Tae talaga 'to!
"Okay, sabi mo e." Aniya at natatawang sumubo sa pagkain. Napataas nalang ang aking labi habang masamang nakatingin sakanya.
"What?" Tumatawa niyang tanong.
"Huwag mong subukan na sabihin iyon kina mommy." Wika ko. Mas lalo naman siyang natawa. Hype na 'to!
"No, I'm not gonna do that." Natatawa niya pa ring usal atsaka ito uminom ng tubig.
BINABASA MO ANG
The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]
Teen FictionMeet Theo. The Mister Ghost who will suddenly appeared to a girl name Priya, just because of a strange mission? And that is to make her falling inlove with him. Ano kaya ang kaniyang rason kung bakit niya 'yon ginagawa? Magtatagumpay ba siya o mahuh...