CHAPTER SIX

305 16 0
                                    

CHAPTER 6- LIBRARY

[THEO's POV]

May isang linggo narin magmula nung huling pagkikita namin ni Priya. Hindi muna ako pinayagan ni Mama Lulu na umalis dahil nanghina talaga ako nung nakaraan. Pero ngayon malakas na ako at ready na 'kong busitin ulit si Priya hehe.

Nga pala, kaya ako nanghina ay dahil 'yun kay Priya. Ipinaliwanag saakin ni Mama Lulu na kaya raw ako nagka gano'n ay dahil tinatanggap na raw ng aking kaluluwa na si Priya na ang babaeng dapat kong pakasalan.

Ipinaliwanag din niya kung bakit nahahawakan na ako ni Priya. Ganon daw talaga kapagka totoong nahanap ko na ang itinakda para saakin. Ibig sabihin daw nagsisimula na ang mission ko.

At isa pa, Ayon kay Mama Lulu, dapat sa loob ng dalawang buwan ay mapa-ibig ko si Priya at kailangan niya akong pakasalan. Kung hindi ko magagawa iyon, ay tuluyan na akong ma-mamaalam sa mundong ito.

Kaya naman, gagawin ko ang lahat para lang mapa-ibig ko si Priya.

[PRIYA's POV]

Nandito ako ngayon sa library upang maghanap ng librong konektado sa ginagawa kong pananaliksik. Tae naman kasi eh! Bakit ba kasi kailangan pang individual? Hindi naman sa sinasabi kong bobo ako, ang inaano ko lang mas maganda parin talaga kapagka may kasama kang gumagawa.

Nung makita ko ang librong hinahanap ko ay mabilis akong naghanap ng upuan. Bawal kasing i-uwi ang mga libro dito kaya naman dito nalang ako mananaliksik ng mga literatura.

Habang nagbabasa, bigla akong nakarinig ng sumisitsit.

"psst,"

Napalingon naman ako sa likuran ko at magkabilang side pero wala namang tao. Ang tanging tao lang naman dito ay yung librian naming matabang babae na masungit.

Ipinag sawalang bahala kona lang iyon pero maya-maya pa.

"psssstttttttttt" mas mahabang sitsit naman ang narinig ko.

Nakng!

Mukhang alam ko na kung sino ito!

Tumingin ako sa itaas ng kisame at doon nakita ko ang gwapong multo. Nakangiti ito saakin habang dahan-dahan na bumababa na piling niya naman ay siya si batman tsk!

"hello," masayang sabi niya nung pagkababa nito.

"bakit nanaman! Anong ginagawa mo rito?!" sita ko pero sa mahinang boses lang. Baka kasi marinig ako nung librian at palayasin ako dito.

"hindi mo ba ako namiss? Ako kase super na misssssssss na missssss kita hehe" parang baliw niyang sabi at may payakap yakap pa siyang nalalaman sa kaniyang katawan.

"tse! Utot mo kung meron man! Nagpakita kalang saakin para lang bwisitin ako!" seryoso kong saad rito.

"huyyy grabitea ah! Hindi naman ganun. Sa totoo n'yan namiss talaga kita" biglang seryoso niyang usal.

Natameme naman ako.

Nakng!

"oo nga pala, nais ko lang magpakilala sa iyo ng pormal" sabi niya. Bumwelo pa ito at saka itinaas ang magkabilang manggas ng kaniyang suot na polong puti. Ewwwww. Ang tagal na niyang suot 'yan e!

"hi miss," sabi niya at mabilis siyang nagpa-ikot pagkatapos ay hinawakan pa nito ang baba niya para magpa pogi.

Nakamaang lang ako, pero p*ta letche pak*u g*ago! Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?!

"pwede bang magpa kilala?" tanong pa niya at nag pose pose na parang model. Pina singkitan niya pa ang mga mata nito.

Hayuuuup na 'yan!

Ba't ang gwapo ng multong ito?!!!

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman nagkada utal utal ako.

"p-pwede ba manahimik ka riyan!" sigaw ko at hindi makatingin sakanya ng deretso. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero no'ng una ko siyang makita kanina parang nabuhayan ako.

Lalo siyang lumapit sa akin.

"Theo nga pala miss, hindi para sakanya o kahit na kanino man, kung 'di para THEO lang."

Nakng!

Nagulat talaga ako sa kanyang kakesohan. Tengene nito! May multo palang ganito yawa?!

Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko at balak yatang makipag shake handas. Bigla kong naalala na nahahawakan ko na pala siya.

Hindi naman sa malandi ako, nacu-curious lang naman ako kung anong pakiramdam ang makahawak ng kamay ng isang multo. Kaya naman unti-unti kong inilapit ang kamay ko sakanya.

Pero tae nagulat ako at napa mura noong may biglang sumigaw.

"Sinong putang-ina ang sumigaw kaninaaaa?!!!!!!" tanong nung masungit na librian.

"Ayyyy Animal kaaa!!!" sa gulat ko napamura ako.

Ang sama ng itsura nung matabang librian namin. Kulang nalang lamunin ako nito ng buhay.

Sa sobrang takot ko mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at nakayukong umalis.

Pero tae tinawag ako nung librian.

"ikaw!!!"

Dahan-dahan akong lumingon sakanya.

Ang multo naman pinagtatawanan ako. Busit 'to!

"p-po?" kinakabahan kong tanong

Unti-unti siyang naglakad papunta saakin. Anakng! Nakakakatakot naman siya. Nanlilisik ang mga mata nito at feel ko anytime pwede niya akong dambahin dito.

Nanginig ako sa takot.

Nung makalapit siya ay sinuri niya ako ng tingin. Pero nabigla ako sa kaniyang ginawa nung pahablot niyang kinuha saakin yung librong kinuha ko kanina.

"layaasssssss!" malakas na sigaw niya. Natalsikan pa ako ng laway niya. Hindi sa naghuhusga ako pero ang baho ng hininga niya amoy tae.

"o-opo" sabi ko at nagmadaling tumakbo palabas ng library. Whoooooooo!

The Mister Ghost Obsession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon